"chapter 18"

80 4 0
                                    

.....lumipas ang isang linggo matapos kong ipakilala si Gino kay Liam bilang tunay niyang ama...at masasabi kong sobrang saya ni Gino nung mga sandaling iyon...akala ko nung una mabibigla si Liam sa katotohanan..pero kabaligtaran ang nangyari..hindi pa ako tapos sa pagsasalita...bigla nalang tumayo si Liam at patakbong lumapit at yumakap sa kanyang ama..hindi ko tuloy napigilan ang mapaluha sa nasaksihan ko...ramdam na ramdam ko na sabik na sabik ang anak ko na magkaroun ng ama..kahit na tumatayong ama si khris para sa kanya...naisip ko na baka hindi parin yun sapat para sa kanya..

ngayung araw na'to..kakausapin kona si khris tungkol sa napag-usapan namin ni Gino...at sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko'to sasabihin sa kanya..hindi ko alam kung maiintindihan niya ako..pero umaasa ako na sana hindi ito maging problema sa relasyun namin..hindi ko makakaya kung magagalit siya sa akin or mas worst na baka ito pa ang maging dahilan na iwan niya ako..hindi ko alam ang gagawin ko kung saka-sakaling mangyari ang mga kinatatakutan ko..

mahal na mahal ko si khris...at kahit si Gino pa ang ama ng anak ko..hindi kona maibabalik ang nararamdaman ko noun para sa kanya..parte nalang si Gino ng nakaraan ko...

..papunta ako ngayun sa gym kung saan alam ko na madalas tumambay si khris kasama ang mga kaibigan niya..isang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil narin sa abala siya sa practice..at ayoko rin naman pumunta sa gym para manoud...ewan ko ba..wala pa akong lakas ng loob na humarap sa mga kaibigan niya..at ipaalam sa lahat na kami na nga...kahit lage niya akong iniimbita..lage ko naman yun tinatanggihan..ngayun pa lang ang una na pupunta ako sa gym at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kaibigan niya..lalong-lalo na ang ex-girlfriend niya...

simula nung maging kami ni khris...hindi ko pa nakakaharap ang ex niya at wala akong idea kung ano ang iniisip niya...wala siyang sinasabi tungkol sa amin..at hindi ako naniniwala na hahayaan nalang niya si khris na mapunta sa akin..

habang papalapit ako sa gym..napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong ko...well bakit hindi?first time nila akong makita dito...at hindi ko rin maitatanggi ang kabang nararamdaman ko habang papalapit ako sa entrance...naririnig ko ang hiyawan ng mga studyante sa loob...

pagdating ko sa entrance ng gym...nakita kong naglalaro sina khris...tahimik akong pumasok sa loob...kung maaari ayokong maka attract ng attention ng mga nandoun...pero habang papasok ako..may mga ilan na napapatingin sa akin...siguro nagtataka sila kung bakit ako nandito..?or baka yung iba ay may idea na pumunta ako dito para kay khris.....hmmm....

lumapit ako sa bench at umupo...well katabi ko rin ang ibang mga studyante..pero yung iba masama ang tingin sa akin..na parang galit..na parang nandidiri sa akin...who cares ba?wala akong pakialam sa kanila..alam kong hindi maganda ang record ko sa school na'to..kaya hindi na ako apektado sa mga tingin nila sa akin..pasalamat nalang sila at nagbago na ako ngayun dahil kung hindi..baka umiiyak na sila ngayun dahil iniwan na sila ng mga boyfriend nila..para sa akin....check to my biggest confidence...

umiiling-iling ako sa sarili ko at saka ako tumingin sa mga naglalaro...nakita ko agad si khris...pawis na pawis na siya..at alam kong pagod na siya...pero hindi parin nababawasan ang kagwapohan niya...yung mga mata niya at ganda ng katawan niya na lageng nagpapa-init sa katawang-lupa ko..nakita ko rin ang kababata niya na nagche-cheers sa team nila...nakaramdam tuloy ako ng selos...

habang abala ako sa mga nararamdaman or insecurity ko...namalayan ko nalang na tapos na pala ang game...napaupo ako ng tuwid...at hinanap ng mga mata ko si khris..hindi naman ako nahirapan at nakita ko siya agad dahil narin siguro siya ang pinaka-matangkad sa lahat...tumayo ako at nagsimula ng naglakad papalapit sa grupo nila..nung malapit na ako sa kanya..bigla  nalang akong napahinto at na frozen sa kinatatayuan ko...

nakatingin lang ako habang patakbong lumapit si karina at hinalikan si khris...yumakap naman ang mga braso ni khris sa kanya at gumanti ng halik...?anong nangyayari?bakit niya hinahalikan si karina?anong nangyari sa isang linggong hindi kami nagkita?akala ko ba ako ang girlfriend niya?kailan pa sila nagkabalikan?sobrang gulo ng isip ko...hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari..

..."oh fina...you're here?what are you doin here?do you have a customer here?"ang tanong sa akin ng isa sa mga friends niya..parang bigla naman ako nanliit sa sarili ko sa tanong niya...pero hindi ko ipinakita na naaapektuahan ako...tumingin ako ulit sa gawi ni khris..at nakita kong saka pa sila tumigil sa paghahalikan..siguro dahil narinig niya ang name ko?well malamang sa lakas ba naman ng boses ng friend niya na nakuha pa ang attention ng iba at nakatingin na ngayun sa amin...

.."ahhmm...just want to talk to khris?if you guys dont mind?"ang tanong ko habang nakatingin kay khris..pilit kong binabasa sa mga mata niya kung ano ibig sabihin ng nasaksihan ko..pero wala akong makita maliban sa galit sa kanyang mga mata..bakit nga ba siya galit sa akin?may nagawa ba akong hindi maganda?dahil ba pumunta ako dito?dahil ba hindi kami nagkita ng isang linggo or dahil naabala ko sila sa ginagawa nila?

..."sure..why not...?we understand this is your small business...?he paused....."but i dont know to karina?"then tumingin siya kay karina habang nakataas ang isang kilay...

..."of course i dont mind guys...cos i knew Alex is always mine..."then she smirked at me..habang nakahawak ang kamay niya sa braso ni khris...tumingin ako kay khris at naghihintay na kausapin niya ako..gusto kong magalit sa kanya..gusto ko siyang sigawan..gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyayari...pero wala akong lakas ng loob..ayokong mas lalong ipahiya ang sarili ko sa harap ng mga kaibigan niya...lalong-lalo na sa girlfriend niya...ayokong ipakita na nasasaktan ako..ayokong ipakita na mahina ako..

..."i dont think...we should talk?im not your customer....and i have no plan to be your customer"...ang sabi niya sa akin..yung tingin niya na parang nandidiri sa akin...na parang ang liit ng tingin niya sa akin...at naramdaman kong nadurog ang puso ko sa mga  sinabi niya at lalo na sa paraan na kung paano niya ako tingnan..tumawa naman ang mga friends niya...

..."khris....please...."hindi ko alam kung bakit ako nakikiusap sa kanya sa harap ng mga friends niya...nakikiusap ba ako na wag niya akong ipahiya or i treat ng ganito?

.."oh come on babe...dont be so rude to her..you know she needs money for living..."ang sabi ni karina sa kanya..then tumingin siya sa akin with disgust...

konti-konti nalang tutulo na ang mga luha ko sa sakit ng nararamdaman ko ngayun..ano bang nangyayari kay khris?...inipon ko lahat ng natitirang lakas sa sarili ko...saka ako tumingin sa kanya..kailangan malaman ko ang totoo..saka ako  magdedesyun kung ano ang dapat kong gawin..wala na akong pakialam kahit marami ang nakatingin sa amin..sanay na ako sa mga masasama nilang tingin sa akin..

..."please tell me....anong ibig sabihin ng lahat ng mga ipinakita at sinabi mo sa akin...?"my voice cracked....i cant help it...its hard to control my feelings.."sa amin ni Liam?"then i saw a glimpse of softness in his eyes..

"..oh God...you are really stupid!do you think Alex  is seryoso sayo?alam mo bang ginawa niya lang yun to avenged his friends specially his bestfriend?you ruined thier relationship..!" she paused..."and now you want to ruin our relationship?..well...i will not let you..stupid bitch!..."she looked at me with hatred and disgust...

pero hindi ko siya pinansin...nakatingin lang ako kay khris...hinihintay ang paliwanag niya..hinihintay na sabihin niyang hindi totoo ang mga sinasabi ni karina...

..." is that true khris?please tell hindi totoo ang mga sinasabi niya...."again i beg him...for the second time at this moment..

..."its all true!so you can go now and dont show your face again to me..."that's it...sa narinig kong iyon hindi kona napigilan ang mga luha ko...nag-uunahan na itong pumatak papunta sa pisngi ko..wala na akong pakialam sa mga nanonoud sa amin...sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayun...hindi kona sila inintindi..kahit nagmumukha na akong kaawa-awa sa harap nila...

..."thank you  for all the memories...."i paused ...."and sorry for everything...."then i stepped backward...

"pathetic...!" ang narinig kong sabi ni karina...pero hindi kona pinansin..tumalikod na ako para umalis at nagulat ako sa nakita ko....napanganga ako sa taong nakatayo sa harap ko..

Ms.Trouble(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon