Nakarating na ako sa paaralang aking pinapasukan. Saktong-sakto ang pagdating ko nang matapos ang flag ceremony.
Muntik na akong di papasukin kanina ng guard naming feeling may-ari ng school dahil hindi ko suot ang aking ID.
Buti na lang at nailagay na pala ni mama sa loob ng aking bag.
My mama is my saviour talaga hihi.
Kasalukuyan akong nag-aaral sa St.Joseph Academy. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay anak mayaman.
Kaya wala akong kaibigan dito except kay Joyce
(childhood friend ko sya at dito rin siya nag-aaral) dahil sino ba naman ang gustong makipagkaibigan sa isang tulad kong hindi kapantay ng estado nila sa buhay at alam ko din naman ang salitang 'distansya'.
Kung meron man akong nakakaibigan, madalas ay mga kaklase ko lang pero,hindi ko parin matawag na kaibigan talaga kasi pangalan lang naman ang alam ko sa kanila at ganun din sila sa'akin.
Yung tipong pagkatapos nyong magpakilala sa isa't- isa tapos ayunnn...boom!
Wala na ,di ka na nila papansinin.
Kahit kailan din naman hindi ako nainggit sa kung anong meron sila.
As long as masaya ako at si mama,
okay na ako.
Kuntento na ako sa kung anong meron ako sa kasalukuyan.
Ang importante lang sa akin ay ang makapagtapos at nang masuklian ang paghihirap ni mama.
Ginagalingan ko sa klase dahil nag me maintain ako ng mataas na grades dahil, isa akong iskolar kaya ako nakapasok sa tanyag na paaralang ito.
Unang araw ngayon sa klase at isa na akong grade 12 student. HUMSS ang aking strand dahil nga gustong kong kumuha ng kursong education sa kolehiyo.
Naglalakad akong mag-isa sa hallway ng Senior High School building dahil hinahanap ko ang aking room.
Nagbabakasakali rin akong makita si Joyce dahil na miss ko na sya supeeeer!
na miss ko nang makipagkwentuhan sa kanya...
'Nasan na ba kasi ang babaeng yon?'
Patuloy ako sa paglalakad. Maingay ang paligid dahil sa mga senior high students na nag kwekwentuhan sa kanilang summer vacations.
Ang iba ay nagtatawanan sa di ko malamang dahilan (hindi ako chismosa, konti lang). Merong ding naghahanap ng kanilang designated classrooms.
Patuloy ako sa paghahanap nang... parang may kung anong bumara at nagpatuyo sa lalamunan ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may nag kakarerang kabayo sa loob.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang tumitibok tibok ang puso ko sa loob ng isang minuto.
(oo ako na ang OA! sige lang)
Pinagpapawisan na ako ng malamig at na estatwa na ako sa aking kinatatayuan nang matanaw kong papalapit sa aking direksyon ang lalaking matagal ko nang pinapangarap.
Ang tanging lalaking nagbibigay ng ganitong pakiramdam sa'kin.
Siya si Gregory Evans Murray. Isa siya sa campus heartthrob sa St.Joseph. Anak siya ni Mrs. Evangeline at Mr. Greg Murray na may ari ng isang tanyag na coffee shop. Ang Coffee and Serenity na may daan daan ng branches na nakakalat sa buong bansa.
Matagal ko na syang gusto simula pa noong grade 10 ako. Napansin nya lang ako nung nasa grade 11 na dahil swerte ko lang at parehas kami ng strand at naging magkaklase kami. Mula noon ay lalong tumindi ang aking nararamdaman sa kanya.
Para siyang anghel na bumaba sa langit.
Ang nakakatunaw niyang ngiti na tumatagos sa aking puso.
Idagdag mo pa ang kulay brown niyang mga mata na may mahahabang pilikmata.
Ang matangos niyang ilong at ang nakakasabik niyang mapula pulang mga labi ay isa din sa kinahuhumalingan ng mga admirers niya.
YOU ARE READING
Choosing You
Teen FictionIstorya ng isang dalagang determinadong makapagtapos ng pag-aaral. Pumasok bilang tutor sa isang mayamang pamilya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang kanyang loob sa anak ng kanyang amo na kanyang matinding enemy sa paaralang kanyang pinapasukan...
