Inihatid nga ako ni Gregory. Masayang masaya akong nakauwi ng bahay. Medyo awkward kanina nung nasa kotse pa kami dahil binalot kami ng katahimikan. Wala akong planong kausapin siya kanina sa kotse ,dahil kinakabahan ako sa presence niya.
Ewan ko ba. Basta talaga nasa paligid siya di mawala wala ang kaba at kilig na aking nadarama. Lalo na kung masyado siyang malapit saakin at amoy na amoy ko ang kanyang nakaka addict na pabango.
Hayyy.
Buti na lang ay binasag niya ang katahimikan kanina at kinausap ako. Tinanong niya 'ko kung matagal na daw ba kaming magkaibigan ni Joyce. Medyo nagtaka ako sa tanong niya pero isinawalang-bahala ko na lang. Sinabi kong matagal na nga kaming magkaibigan at ikwenento ko rin ang aming pagkakaibigan.
Medyo naging komportable na akong kausap siya dahil nag share din siya about sa buhay niya. Masaya ako sapagkat di ko inaasahan na aabot kami sa puntong ishe-share niya saakin ang buhay niya.
Ang taong gustong gusto ko ay dahan dahan nang napapalapit sa'kin.Kinikilig na naman ako habang inaalala ang mga pinag-usapan namin kanina habang hinahatid niya ako.
Palihim akong napangiti habang nakatanaw saaming kisame. Nakahiga ako ngayon sa sofa at para na akong tangang ngingiti ngiti dito.
"Nak, mukhang masayang masaya ka ngayon ah", sabi ni mama kakababa lang galing sa itaas
"Ah kasi ma...ah ano...nakakuha ako ng pinakamataas na score kanina sa quiz namin", pagsisinungaling ko
(which is totoo naman talaga, pero sinungaling ako dun sa part na si Gregory naman talaga ang dahilan kung bat ako ngingiti ngiti ngayon)
"Ah good job , Nak. Pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo. Bibilhan kita ng bagong sapatos ", sabi ni mama sabay kindat
"Talaga Ma?wow...pero di naman na kelangan Ma. May sapatos pa naman akong magagamit atsaka sayang lang yung perang ipambibili. Idagdag na lang natin sa ipon para dun sa pang kolehiyo ko", sabi ko.
Nagpre-prepare si mama sa kusina ng panghapunan namin. Amoy na amoy ko ang masarap na masarap na ginisang bagoong sa kamatis at pritong talong. Nagutom tuloy ako hihi.
" Nga pala Nak. Sabi nung mga amo ko na
sila na daw bahala sa pang kolehiyo mo. Alam kasi nilang single parent ako at naawa siguro. Magaan daw yung loob nila saakin, Nak kaya tutulong sila sa pag-aaral mo", sabi ni mama
"Wow Ma. Ambait naman nila kung ganoon. Yeheeeeey! So, sigurado na talagang makakatungtong ako ng kolehiyo neto!woaaaaaaah!", masayang sambit ko" Pero may hinihingi silang pabor Nak.", dagdag ni Mama
"Ano ba daw Ma?", tanong ko nang may pagtataka
" kung pabor ba sayo na mag tutor ka sa bunso nilang anak. Di ka naman mahihirapan nak kasi grade schooler pa naman yung bata. At tsaka mas okay na rin yun nak para may pagkakaabalahan ka tuwing weekends", sabi ni mama
"Ah. Okay lang po saken, Ma. Kelan ba ako magsisimula?"
" Sa sabado isasama kita sa mansiyon para makilala ka ng mga amo ko", dagdag ni mama
Mabait pala talaga ang mga amo ni mama. Malaking tulong saaming mag-ina ang ibinigay nilang oportunidad saakin na makapag-aral sa kolehiyo.
Kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maging mahusay na tutor.
Nagtaka lang ako kung bakit ako pa ang kinuha nilang tutor ng anak nila eh pwede naman silang kumuha ng mas professional kung ikukumpara sa'kin , total may pambayad naman sila.Pero mas mainam na rin iyon, mas mababantayan ko si Mama kahit papano dun sa mga sinasabing salbaheng mga anak nung amo niya. Dapat nga at magpasalamat pa ako sa mga amo niya dahil ito lang ang hinihingi nilang pabor sa'akin.

YOU ARE READING
Choosing You
Teen FictionIstorya ng isang dalagang determinadong makapagtapos ng pag-aaral. Pumasok bilang tutor sa isang mayamang pamilya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang kanyang loob sa anak ng kanyang amo na kanyang matinding enemy sa paaralang kanyang pinapasukan...