"Hi,Ma!", salubong ko kay mama sa pintuan. Katatapos ko lang mag prepare ng hapunan namin. Nagluto ako ng paborito naming sitaw at tinolang isda. Buti na lang ay may natira pa pala sa ipon ko mula sa mga sobrang baong ibinibigay ni mama, iyon ang ibinili ko ng sitaw at isang kilo ng isda sa palengke kanina. Ang sobra sa niluto ko ay ipapakain ko kay Dodong.
" Uy,Ma. Kamusta ang lakad niyo ni Ninang?",tanong ko kay mama sabay mano sa kanya.
Kitang kita naman sa mukha na ni mama na natanggap siya dahil,nakangiti ito nang dumating sa bahay.
" Naku,Nak! Hihi alam mo ba?natanggap ako!", masayang masayang sambit niya habang nakahawak sa magkabila kong balikat.
"Naks naman! Saktong sakto pala tong niluto kong favorite nating sitaw at tinola, Ma. Kainan sabay kwentuhan with you yieeee!", pagyayaya ko kay mama.
Itinuloy namin ang aming kwentuhan habang naghahapunan.
"Kumusta naman ang magiging mga amo mo,Ma? Anong sabi nila at kelan ka magsisimula?", tanong ko kay mama .
" Mabait naman sila,Nak. Super bait lalo na yong babae kong amo. Di ko nga makabisado ang apelyido nila nakakalimutan ko,... kasi naman pang amerkano yong apelyido. Dalawa lang yong anak nila at juskoooooo napakayaman ng pamilyang pagtratrabahoan ko, Nak.
Nalaman ko na may negosyo pala sila kaya't busy palagi ang mag asawa. Yung dalawang anak lang nila ang laging naiiwan sa mansion. Kaya pala kumuha sila ng mga bagong kasambahay, kasi kusa na lang daw nag reresign dahil di daw makatiis sa ugali ng mga anak nung mga amo ko", kwento ni mama."Naku!buti na lang Ma at natitiis ni ninang grace na manatili dun...Ikaw ba ma, baka di mo kayanin ang mga ugali nung mga anak nang amo mo. Wag ko lang malaman laman na inaapi api ka dun dahil kung hindi nakuuuuuu!sinasabi ko talaga!may kalalagyan sila saken", sabi ko pa habang madiin na tinutusok sa pagkain ang mga kubyertos.
Natawa si mama sa'kin," Wag kang mag alala,Nak. Kaya ko silang i handle. Di rin naman ako basta basta susuko. Malaki mag pasahod yung mga magiging amo ko sayang din kung mag reresign lang ako dahil lang sa mga ugali nung mga anak niya . Pasasaan pa't ako ang iyong Best Mama in the whole world diba?... Super Mama pala". Kumindat pa si mama pagkasabi niyang ganon.
Nagtawanan na lamang kaming dalawa dahil sa mga kwento niyang sinisingitan niya ng mga biro.
Hays si mama talaga :'>Katatapos ko lang naghugas ng mga pinagkainan. Napakain ko na din si Dodong. Si Mama umakyat na sa kwarto niya at natulog. Alam kong pagod na pagod yun dahil sa lakad nila kanina ni ninang Grace. Andito parin ako sa sala nakahiga sa nag iisa naming sofa. Nakatingin ako sa kisame, naalala ko na naman ang pagkikita namin kanina ni Gregory.
Ang imahe niya sa isip ko ay waring dinadala ako sa ulap.
Nakakakilig na di ko maintindihan.
Di ko mapigilang ngumiti habang inaalala ang kusang paglapit niya sa'kin kanina. Medyo naiinis lang ako sa sarili ko dahil nauutal ako kapagka kaharap siya.Matagal din akong nakahiga sa sofa at patuloy na pinapantasya si Gregory. Napag isip-isip ko, 'matagal naman na akong may gusto kay Gregory, siguro panahon na upang lapit lapitan ko siya (hoy!hindi yong tipong nagmumukha akong obsessed sa harapan niya no)
total friends naman na kami ei.
(friends ba kami?hmmmm...aba'y oo naman Yssa nilapitan ka pa nga niya kanina sa school) naloloka na talaga ako pati sarili ko kinakausap ko na.Basta lalapit lapitan ko na siya. Makikiramdam baka naman kasi madevelop siya sakin, who knows? Matagal ko na siyang crush at feeling ko papunta na to sa tinatawag nilang pag-ibig.
Hindi naman sa umaasa akong magkakagusto rin siya sakin,pero parang ganun na nga hehe.
Alam kong masakit mapaasa lalo na, kung akala mo may gusto sayo yung taong gusto mo,pero wala naman pala.Patuloy ako sa pagpapantasya kay Gregory at di ko namalayang nakatulog ako sa sofa. Nagising na lang ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.
"Hala!nakatulog pala ako dito",
Kinapa ko ang cellphone ko saaking bulsa.Tiningnan ko ang oras at
napag-alamang ala 1 na ng madaling araw. Nakita ko rin ang isang message ni Joyce.'Gising pa pala ang bruha'
From: GHORL
ghorl daanan kita mamaya diyan sabay na tayo pumasok. I'll fetch you at 7:30Ang sweet naman talaga oh. Di ko na siya ni replyan dahil wala naman akong load. Nanonood pa siguro to ng kdrama kaya gising pa. Ngayong madaling araw pa talaga niya ako tinext ah nagising tuloy ako tch. Ang babaeng yun talaga!
Pero love ko si Joyce noh. Maganda ang abnormal kong bestfriend. Maputi,matangos ang ilong, chinita, aakalain mo talagang may lahi siyang chinese or korean. Kung naging lalaki siguro siya, siguro mag jowa na kami yieeee!
Joke lang hahaha.
Alam kong mandidiri yun kapag nalaman niya ang pinagsasabi ko ngayon haha!
Wala pa ding makakahigit sa Gregory ko no.
Love ko yung bestfriend ko na yun. Childhood friend ko siya kase mag kaibigan kami since elementary. Magkapitbahay kase kami dati kaso, nagkahiwalay lang kami dahil lumipat sila ng tinitirhan nung mag gra-grade 9 na sana kami. Nakapag asawa kasi ng mayaman ang ate niya kaya lumuwag luwag din ang buhay nila.Minsan na siyang nagka boyfriend, mahal na mahal niya noon si Leigh,kaso niloko siya nito,pinagpalit sa malapit at bigla na lang di nagparamdam sa kanya. Kaya naman, nag iingat siya ngayon kapag involve ang love or finding Mr. Right haha.
Merong pa kaming kasunduan na kapag magkakajowa ang isa saamin, kelangan ako or si Joyce ang una't unang makakaalam.Malaki ang ibinago ng buhay nila dahil sa pag aasawa ng ate niya . Pero kahit umangat ang pamumuhay nina Joyce, di parin sila nagbago ng pamilya. Lagi nila kaming pinapasama kapag may family outing sila ng pamilya niya. Ibinibigay rin ni Joyce sakin ang mga di na niya masyadong sinusuot na mga damit, kapag pinapabisita niya ako sa bahay nila.
Hindi na rin ako tumatanggi sa mga ibinibigay niya dahil wala rin naman akong choice kase nag tatampo ang gaga kapag tinatanggihan ko ang mga bigay niya.Kaya siya lang ang kaibigan ko sa campus, kase siya lang ang nakakaintindi sa kalagayan ko/namin ni mama. Never pa kami nag away nun kaya love na love ko yung bruha na yun. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay as in. Kaya silang dalawa ni mama ay parehong mahalaga saakin.
Bumangon na ako at pumanhik sa itaas upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog.
Pagpatak ng alas 6, bumangon na ako dahil naririnig ko na naman si mama sa baba.
"Sasa!"
"Sasa,gising na!"(My forever favorite alarm clock )
"Oo ma, pababa na"
Sinalubong agad ako ni Dodong at agad ko itong kinarga. Kagaya ng nakasanayan haha!
"Dodong ambigat mooooo hahaha!"
"nga pala nak.Ngayon na ang simula ng trabaho ko sa mansiyon, yung pagtratrabahoan ko ba", sabi ni mama habang nag titimpla ng kape para saaming dalawa.
" oo ma, basta't mag iingat ka doon",
"Itetext na lang kita nak, kung anong oras ako makakauwi ha?" dagdag pa ni mama
Saktong alas 7 nang matapos ko ang lahat ng gawain. Nakaalis na si mama papuntang mansiyon, sa pamilyang pagsisilbihan niya. Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa at inaantay na dumating si Joyce.
Tumunog ulit ang cellphone ko at bumungad sakin ang message niya.
From: GHORL
papunta nako wait ka lang diyanWala pang 7:30 ay nakarating na ang maganda kong bestfriend (pero mas maganda parin ako heh!)
"Kanina ka pa nag aantay ghorl?", tanong niya
"Sakto lang ghorl, tara na baka ma late pa tayo", sabi ko
Muntikan nga kaming ma late kasi dumaan pa kami sa isang fast food chain dahil di pa pala nag bre'breakfast si Joyce. Itong babae talagang ito mas gusto pang kumain sa labas kaysa sa luto doon sa bahay nila. Minsan din nakakalimutan na kumain dahil busy lagi sa gadgets. Hays, ganun talaga siguro ang lifestyle ng mga mayayaman. (Stereotype alert HAHA)
YOU ARE READING
Choosing You
Teen FictionIstorya ng isang dalagang determinadong makapagtapos ng pag-aaral. Pumasok bilang tutor sa isang mayamang pamilya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang kanyang loob sa anak ng kanyang amo na kanyang matinding enemy sa paaralang kanyang pinapasukan...