*Yssa's POV*
"Sasa! Gising na!"
"Sasa!"
"Sasa! Ano ba!"
"Sasa! Alas 8 na! Male-late ka na sa klase mo!"
RATATATATATATATATATATATATTTT! BOOGSH!FIRE IN THE HOLE!Hays. Ayan na naman ang bunganga ni mama. Bakit ba nya ako ginigising?ang aga pa ng alas 8 ah.
Napatitig ako sa kisame,nag-iisip kung bakit ang ingay ni mama. 'Tuwing may pasok lang naman niya ako ginigising ng ganito kaaga ah' sabi ko saaking sarili.
Sa patuloy kong pag mumuni-muni unti unting nag sisink in sakin ang katotohanang first day of school na pala ngayon. Para akong nauntog sa pader nang mapagtantong pasukan na
pala. Dali dali akong bumangon dahil nagsisisigaw parin si mama sa baba.Ang ingay talaga ni mama!juice coloured na Tang!
Di ko na yata talaga kelangan pa mag cotton buds para makuha ang aking mga tutuli dahil kusa na silang nagsisilabasan sa sigaw pa lang ni mama bawat umaga tuwing may pasukan. Talo pa yata ni mama si Francis M. sa pagiging rapper kaya proud na proud ako dyan ehe! -_-
Agad akong bumangon at tiningnan ang wall clock. Naningkit ang aking mga mata nang makitang alas 4 pa pala ng madaling araw. 'Alas 8 na daw?nakuuu talaga namang itong si mama ' sabi ko saking sarili."Sasa! Naku bata ka!" sigaw na naman ni mama . "Oo,ma!pababa na po!nubayan".
Bumaba na ako ng hagdan. Second floor kase ang bahay namin. Hindi kami mayaman at lalong hindi rin naman mahirap,sa awa ng diyos hihi. Iyong tipong sakto lang,nakakakain ng 3 beses sa isang araw. Si mama ang naghahanapbuhay para meron kaming panggastos sa pang araw-araw. Gustuhin ko mang magtrabaho, pero hindi ako pinapayagan ni mama dahil ayaw nyang mahinto ako saaking pag-aaral. Mahal na mahal ko si mama sapagkat ginagawa nya ang lahat para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Ibinubuhos nya ang sapat na aruga at pagmamahal saakin. Kaya naman ginagalingan ko sa eskwela at proud akong sabihin sa inyo na isa akong consistent honor student.Dalawa na lang kami ni mama sa buhay. Karamay namin ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Wala akong tatay dahil sumakabilang buhay na sya...aww...sumakabilang bahay pala. Sumama sya sa kabet nya at wala na kaming pakialam sa kanya kaya,wag na natin siya pag usapan :)
Ayy...kasama din pala namin sa aming tahanan ang aso kong si Dodong. Bigay sya nung kapitbahay naming nakapangasawa ng foreigner. Nanganak kasi ang aso nila last year at ito nga si Dodong ang ibinigay saamin.Agad itong sumalubong sa'kin pagkababa ko ng hagdanan. Iwinawagayway ang mabalahibo at puti nitong buntot na nagpapahiwatig na gusto na naman niyang kargahin ko sya.
"Good morning, Dodong ko" agad ko syang binuhat,kinarga at niyakap. Ganito kami lagi ni Dodong lalo na kapag galing ako sa paaralan o kaya'y sa gala.
"Sasa,ibaba mo na yang si Dodong,tama na yan. Maligo ka na at kakain pa tayo". Mahinahong utos ni mama sa'kin.
" Mama naman. Nagkakatuwaan pa kami ni Dodong ei. Sabi mo kanina na alas 8 na tapos pagtingin ko sa orasan alas 6 pa lang". Patuloy ko paring kinikiliti si Dodong (teka...nakikiliti ba ang aso?)
"Pag sinabi ko bang alas 4 pa eh babangon ka ba? Hindi di ba? Nakuuu ba--" hindi ko na pinatapos ang gusto pang sabihin ni mama dahil sure akong bukas pa sya matatapos sa kakadada.
"Sabi ko nga,Ma,maliligo na ako". Sabay kindat kay mama at nagtungo sa cr upang maligo.
Nang matapos ay nagbihis na ako ng uniform at nagtungo sa kusina upang mag almusal.
" Pagkatapos mong kumain nak, pakainin mo na din si Dodong ha?" utos ni mama habang kumakain kami.
" Oo,Ma". Tipid kong sagot kahit puno ang bibig ko ng pagkain.
"Iyong baon mo nasa bag mo na pati ang pamasahe mo nak". Tumango na lang ako bilang sagot .Natapos ko na ang lahat ng dapat tapusin at paalis na sana ako nang humirit na naman si mama.
"Nak,nga pala baka gabihin ako ng uwi mamaya. Isasama ako ng Ninang Grace mo dun sa amo nya dahil naghahanap daw ng kasambahay. Malaki daw ang sahod,Nak. Tsaka mabait daw at galante ang pamilyang pinagtratrabahoan niya"."Talaga,Ma? Sige Ma. Mag-iingat ka ha? Kung may bakante pang trabaho dun Ma papatusin ko na sabihin mo lang sa'kin, Ma. Para naman makatulong ako sa gastusin dito". usal ko habang nag susuot ng aking school shoes.
"Anong ibig mong sabihin? Hihinto ka? Naku anak! Kaya nga ako naghahanap ng trabaho para kahit papano maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo nang sa gayon matupad mo ang pangarap mong maging guro,diba?" madamdaming sabi ni mama saakin. Kaya bago paman mapunta sa iyakan ang usapan namin, pinutol ko na at para narin makaalis na ako't makapasok."Tama na,Ma. Baka saan pa mapunta itong usapan natin haha". Nginitian ko si mama sabay yakap sa kanya.
" Ingat ka, nak". Sabi nya at kumalas na ako sa pagkakayakap.
" Sige na, ma,alis na ako. Buh-bye! ingat ka din mamaya sa lakad nyo ni ninang". Ikiniss ko sya sa pisnge tapos lumakad na papalayo.
YOU ARE READING
Choosing You
Teen FictionIstorya ng isang dalagang determinadong makapagtapos ng pag-aaral. Pumasok bilang tutor sa isang mayamang pamilya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang kanyang loob sa anak ng kanyang amo na kanyang matinding enemy sa paaralang kanyang pinapasukan...