Chapter 06

3 0 0
                                    

Friday nga pala ngayon.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula saaking bintana.

"Sasa!anak gising na!"

"Po. Andyan na, Ma"

Pagkatapos kong maligo, kumain at pakainin si Dodong, dali dali kong ginawa ang assignment ko.
Nakalimutan ko kasing gawin kagabi dahil na busy ako sa pag-oonline.

Palihim akong napangiti habang inaalala ang naging conversation namin sa chat ni Gregory. Gayunpaman, na co-confuse rin ako sa kutob ko kay Joyce.

Hindi kaya may gusto siya kay Gregory?hmm...
Hindi. Hindi. Hindi naman siguro. Masyado lang akong praning. Hays.

Natapos ko ang assignment ko kahit medyo lutang ako. Saktong 7:20 ng napagdesisyonan kong pumunta na sa Academy.

"Ma, alis na po ako"

"Oh sige,mag-iingat ka. At tsaka wag mo kakalimutan bukas ng sabado, dadalhin kita sa mansyon para makilala mo na ang mga amo ko"

Oo nga pala. Sabado na bukas at may pagkakaabalahan na rin ako sa wakas. Na eexcite tuloy akong makilala ang amo ni mama, at mga magiging amo ko na rin. Hehe

"Copy, Ma. Sige tuloy na'ko"

Andito na ako ngayon sa hallway ng senior high building. First floor palang ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Ay ngapala. Nakalimutan kong i-silent mode. Buti na lang wala pa ako sa klase" sabi ko sa sarili

Bumungad sa'kin ang text ni Joyce.

From: GHORL
Di ako makakasabay mamaya sa cafeteria, ghorl. Wag mo na ako daanan mamaya sa room. Medj busy ako eh.

Oh.

Di ko namalayang napangiti ako sa text ni Joyce. Napangiti ako dahil, ibig sabihin kaming dalawa lang ni Gregory mamaya ang magkasabay sa cafeteria. Great!
Feeling ko tuloy ang selfish ko.
Pero hindi siguro. Wala namang masama kung matutuwa akong kaming dalawa lang muna ni Gregory. What a big opportunity!

Hawak ko parin ang cellphone ko sa dalawang palad nang...

*BOOGSH*

*ARAY*

OMAYGAHDDDDD!!!

NAHULOG ANG CELLPHONE KO!!!
AT...

BASAG ANG SCREEEEEEEN!!!
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Para akong nabagsakan ng langit nang dahan dahan ko itong pinulot. Natanggal ang battery nito. Naku namaaaan! Pag minamalas ka nga naman!

"Oh!what a cheap phone", patawang sabi ng lalaki sa harap ko na  halatang hingal na hingal, akala mo ay galing sa isang karera.

ANO?

tumayo ako at hinarap ang demonyong lalaking habang hawak ang sira ko ng cellphone.

" Hoy, Lalaki! Tingnan mo ang ginawa mo sa cellphone ko! Imbes na mag sorry ka, nilait mo pa 'tong cellphone ko!"

"It's your fault. Paharang harang ka kase, kaya kita nabangga", cool niyang sabi

" Wow! Okay ka lang? Hindi to karerahan ng mga kabayo, hoy! Hallway 'to, hallway! At lalong hindi 'to playground para magtatatakbo ka dito! Hindi mo ba alam ang word na excuse? Ha? Tingnan mo ang ginawa mo sa cellphone ko! Basag na! Mag sorry ka!",  galit na galit na ako at ramdam kong namumula na ang mga mata ko sa galit at kasisigaw sa lalaking 'to.

Choosing You Where stories live. Discover now