"Good morning, Ma!", bati ko pababa ng hagdanan.
"Uy Nak. Ang aga mo gumising ah! Alas 6 pa lang "
"Oo nga, eh. Excited kasi ako Ma,na ma meet 'yong mga amo mo. Hihi"
"Pansin ko nga. Dali na hiwain mo na 'tong nga gulay nang makapagluto ako ng agahan natin. Para maaga rin tayong makapunta sa mansion", utos ni mama.
Habang naghihiwa ako ng gulay, nakikipaglaro naman sa mga paa ko si Dodong, halatang gusto na namang makipaglaro.
" eh Ma. Pa'no tong si Dodong? Walang maiiwan", pag-aalala ko.
"Iwan na muna natin sa kapitbahay. Kina Aling Pasing. Mag-iiwan lang tayo ng pangkain ni Dodong"
"Oh sige. Hays. Kawawa naman itong
Dodong namin. Maiiwan ka muna kila Aling Pasing ha? Ha?", nakangisi kong sabi habang kinakausap ang aso.*arf arf*
Matapos naming mag-agahan, naligo ako at kasalukuyang nakaharap ngayon sa aking kabinet. Limang minuto na siguro ako ditong nakaharap, naghahanap ng
presentableng maisusuot.
Kelangan presentable ako para naman di magsisi o mag dalawang isip ang mga amo ni mama, na kunin ako bilang tutor ng anak nila." Anak!Sasa! Dalian mo na dyan! Ambagal mo naman magbihis. Dalian mo na!", tawag ni mama mula sa baba.
"Oo Ma. Eto na. Teka lang!"
Napagpasyahan kong suotin ang high waist denim na skirt, na sakto hanggang tuhod, 3/4 na maroon polo na noo'y bigay ni Joyce at white shoes naman para sa paa, syempre. Naglagay din ako ng konting mascara, blush on (light lang), at liptint na medjo orange (bigay rin to lahat ni Joyce. Niregalohan niya kasi ako ng make up kit noong nakaraang birthday ko).
"Char! Ang ganda ko. Dapat pala maglagay ako minsan ng onting make up", sabi ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.
" Yssa! Ano ba. Iiwanan na talaga kita. Ang tagal mo!"
"Oo andyan na", sabi ko habang dali daling bumaba.
Iniwan muna namin si Dodong kina Aling Pasing. Sila lang kasi yung kapitbahay dito na close namin.
8:30 ng umaga ng nakarating kami sa mansion. Merong guard sa gate na agad naman kaming pinapasok, dahil for sure kilala nito si mama. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang napakagara at napakalaking bahay na pinagtratrabahoan ni mama. Ito yung mga bahay na napapanood ko sa tv. Yung bahay na halos kasya ang isang barangay. Hahahahaha joke lang.
Pero totoo, malaki talaga ang bahay. Puti at itim ang ginamit na pintura. Maraming tanim na mga halaman na nakapaligid sa gilid ng mahahabang pader, na ngayon ko lamang nakita. Siguro, imported ang mga tanim na mga bulaklak dito. May malaking swimming pool sa harap at isang magarang cottage. Nakahilera rin sa maliit na parking ang dalawang mamahaling sasakyan at isang magarang motor.
WOW.
" Isara mo ang bibig mo, Nak"
Ay! Di ko namalayang nakabuka pala ang bibig ko dahil sa pagkamangha sa mansion.
"Halika. Pasok na tayo. Siguradong nag-aantay na sila Ma'am Murray sa'tin"
Teka...
Murray?
MURRAY?
OMAYGAHDDDDD!
HINDI KAYA DITO NAKATIRA SI GREGORY?
DESTINY?
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
Parang lumukso ang puso ko nang marinig ang apelyidong Murray.

YOU ARE READING
Choosing You
Fiksi RemajaIstorya ng isang dalagang determinadong makapagtapos ng pag-aaral. Pumasok bilang tutor sa isang mayamang pamilya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang kanyang loob sa anak ng kanyang amo na kanyang matinding enemy sa paaralang kanyang pinapasukan...