Chapter 04

6 2 0
                                        

Kararating ko lang sa classroom ko at tumitingin tingin sa may bintana. Mas pinili kong maupo sa may bintana malapit sa hallway, para anoooo... para yuieeeee secret.

Oo na, eto na...

Mas pinili kong maupo malapit sa bintana upang madali kong matanaw ang mga dumadaan sa hallway. Syempre para kung sakasakaling dumaan si Gregory, eh madali ko siyang makita lalo na ang nakakabaliw niyang mga ngiti.

At hindi nga ako nagkamali, saktong saktong pagkapasok ng aming first subject teacher ay dumaan si Gregory. Kyaaaaaaaaaah! Ang gwapo niya sa suot niyang maroon na sweatshirt.

Kinikilig akoooooooooo!Tulonggggg!

Charot.

Nakalagpas na siya sa room namin. Sayang at di kami nagka classmate huhu edi sana mas lalo akong inspired ngayon. Sayang din at di niya ako nakita kanina nung dumaan siya sa room namin.

Kapag ba nakita niya ako kanina ngingitian niya na naman ako?

Siguro. Di naman kasi siya snob. Mabait siya supeeeer. Full package na talaga si Murray. Ang swerte ng magiging girlfriend niya kung ganun.

Ang swerte koooo kung sakaling ako ang magiging girlfriend niya kYaaaaaaaaah!

"EHEM!"

napukaw ang atensiyon ko sa biglaang pag 'ehem' ni Cher. Plaza . Siya yong first subject teacher namin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong nakatingin pala ngayon saakin ang lahat ng classmate ko.

"Kanina ka pa pinapasagot ni Cher, uy!" sabi sakin ng seatmate kong babae.

"Uy, Dela Cruz! Ang kyut mo dito kaso mukha kang tanga!HAHAHAHAHAHA" sabi ng kaklase kong kilala bilang bully, sabay pakita ng cellphone niya na may...

picture ko...

PICTURE KOOOOO?Aaaaaaaack! Shemay!

Nakanguso ako sa picture na para bang may hahalikan habang nakapikit at nakaharap sa may bintana na parang ewan. WAAAAAAAAAAAAAH!NAKAKAHIYAAAAA!

nagtawanan ang lahat ng classmates ko, pero sinuway din naman sila ni Cher. Plaza.

"Quiet Class!" saway ni Cher.

LUPA LAMUNIN MO NA AKO!NOW NA!HUHU

"Delete that photo Mr. Gonzales", utos ni Cher dun sa bully kong classmate. Agad din niyang dinelete na may ngisi parin sa ma labi.

Nakakainis. Nakakahiya AAAAAAAA!

Nagpatuloy sa pag didicuss ang teacher namin. At dahil dun sa nakakahiyang pangyayari, mas nag pay ako ng attention sa mga discussions. At dahil ulit dun sa nagyari, bumawi ako sa quiz ni Cher. Plaza at ako ang nakakuha ng pinakamataas sa lahat ng scores.

Sumunod ulit ang second then third subject. Nakinig na talaga ako ng mabuti. At saktong 11: 30 nang tumunog ang school bell.

KRINGGGGGGGGGGGGGG!

Umalingawngaw sa buong campus ang bell, hudyat upang magsilabasan na ang mga estudyante.

Pupunta ako ngayon sa cafeteria upang makakain na ng pananghalian. Dadaanan ko na lang si Joyce upang sabay na kami.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ng room, nakita kong nakatayo sa labas si Gregory. Parang may inaantay. Saktong napalingon siya sa kinaroroonan ko at nilapitan ako.

OMAYGASH!

" hey, Dela Cruz!are you going to the cafeteria with Joyce?" tanong niya.

Parang na disappoint ako dun ah. Bat last name ko ang tawag niya saken, samantalang Joyce ang tawag niya sa bff ko. At baket parang may na sensense akong di maganda?hmmmm...

Choosing You Where stories live. Discover now