Kamusta

338 11 8
                                        


Kamusta... Mahal..
Kamusta... Irog...
Kamusta.... Sinta..
Kamusta... Ka-kaibigan??...

Ano pa bang kamusta?
Ang mag papalingon sayo sinta?
Simpleng tingin o salita
Ni hindi mo pa magawa....

Ano na ba ang tayo??.
Ano na ba 'ko sayo??
Totoo bang wala na?
O ikaw lang ang may ayaw na?

Mahal hindi ko alam?...
Hindi ko alam na ganyan ka...
Na sa onting sira ay bibitaw ka...
Na sa onting sira'y, wala na talaga...

Gusto kong ibalik yung noon...
Gusto kong gawin 'yon ngayon
Ngunit ikaw ang s'yang hadlang...
Ang harang ng aking hakbang.

Gusto kong sirain 'yon..
Sirain ang harang na inilagay mo
O hanapin ang butas sa harang na iyon
At gawing basihan, na may pag-asa parin sayo

Ngunit sadyang matibay...
Matibay ang harang na iyong inilagay...
Ultimong liwanag ng pag-asa'y
Hindi ko man lang masilay

Mahal hindi ko 'to tanggap...
Na hanggang dito na lang ang ating ganap...
Na hanggang dito na lang ang ating
istorya...
Na hindi man lang natapos ang kabanata...

Gusto ko mang tapusin...
At magkaroon ng happy ending...
Ngunit hindi ko kayang baguhin...
Ang pasya mong... sad ending...

Masakit para sa'kin...
Na hindi ka na kapiling
Pero mas masakit para sa'kin...
Na meron ka ng..... kapi-kapiling...

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon