Ayoko na

1K 23 8
                                        

Ayoko na....

Salitang dumurog sa puso ko.
Salitang nag papatak ng mga luha ko.
Salitang binanggit ng isang tulad mo.
Salitang 'di mawala sa isip ko....

Bakit kailangang humantong sa ganito?.
Bakit kailangang tumagos sa puso ko?.
Bakit ganito na lamang kasakit?.
Bakit paulit ulit na lang sumasakit?.

Pintig ng puso...
Katumbas ng kirot mula sayo...
Bawat segundo...
Kirot ang siyang dadapo...


Bakit bigla kang sumuko?.
Kahit ito ako...
Nanatiling nakatayo.
Bakit bigla kang umatras?.
Kahit ito ako...
tinutupad ang pangakong... walang aatras....

Naiintindihan ko ang problema mo....
Pero bakit kailangang humantong sa ganito?.
Humantong sa may dulo.
Sa dulong Wala ng tayo...

Dapat ko bang ibalik sayo ang salitang 'AYOKO NA'?.
O tanggapin ang sinabi mong 'AYOKO NA'?.

Kasi napakasakit na....
Na isiping Wala na....
dahil sa sinabi mo na...
nagsabing 'AYOKO NA'......






SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon