Oras, minuto nasa isip ka.
Pati segundo ay nadamay na.
Ito ako, laging umaasa.
Araw araw ako'y pinapaasa.Itong sakit ay pilit nililisan.
Dahil balang araw ika'y makakamtan.
Ngunit sa araw araw, ikaw ang nakikita.
Kasakasama ang mahal mong iba...Alam kong masakit, pero aking pinipilit.
Makita ka lang o aking iniibig.
Sapat na iyon upang aking mapawi.
Mapawi ang sakit ng makita kang may kapiling.Mahirap man para sa akin.
Ngunit ang pag ibig ay hindi mapipigil.
Kahit anong gawin ng aking isip.
Talo parin sa puso kong walang pigil.Alam kong walang pag asa....
Pero si puso ang kusang umaasa...
Alam kong wala namang tayo...
Pero ito ako... piling may tayo...Mahirap kasing hindi umasa...
Lalo na at kaibigan kita...
Alam kong ang tingin mo'y hanggang dun lamang....
Pero ako lumagpas na sa di mabilang....Gusto kong matawa...
Dahil sa kahibangang kusang nadama...
Ramdam ko ang kabaliwan...
Kabaliwan na hanggang ngayon ay umaasa....Siguro nga ay baliw na sadya ang isang tulad ko....
At baliw sa isang tulad mo...
Pero heto na naman ang dala ng damdamin ko...
Pinagpipilitan sa isang tulad mo....Na kaibigan lang naman ang syang turing mo...
Sa isang hibang na tulad ko...
Kaya bakit heto ulit ako...
Hirap itigil na umasa sa iyo?....
Hirap isipin na walang mag babago sa turing mo....Kaya kailangan ko ang mga salita mo..
Na mag sasabing 'itigil ang kahibangang ito'...
Para isang sakit lang ang pitik sa aking puso...Ng sagano'y ang salitang 'umaasa'...
Ay mapalitan na ng walang pag dudusa...Dahil sa huli'y may dadating na isa...
Na sayo'y magpapaligaya...
Na kailan man ay 'di ka na 'umaasa'....

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoezjaI'm not a pro at poetries, but I'll do creating poems by expressing my feelings or what I feel for the things that I've saw like movies, stories etc. this poetry is for fun lang po but can reflect to the others, for someone who can relate on my poem...