"Loko ka ba?"
Tinanong mo ko ng "Bakit?".
Sinagot naman kita ng may bahagyang galit.
"Masakit pala talaga!. Diba?"Nabalot ka ng pagtataka.
Aba!, Wag kang magpaka tanga!
Wag kang umaktong inosente ka.
Dahil masasabi kong nakaka tanga!.Binalot mo ko ng sakit sa mga nakita ko.
Katumbas ng pagsaksak sa nagmamahal kong puso.
Pinilit at sinubukan kong intindihin ito.
Pero mahirap gawin kung tuluyan ng sumuko ang puso.Gusto kong sabihin 'yan sa'yo,
Pero gusto kong matuklasan mo,
Pero bakit napaka manhid mo?,
Lalo lang naninikip 'tong pusong nilaan ko sa'yo.Sinunod ko ang mga gusto mo.
Binigay ko ang pagmamahal na pangarap mo.
Naging tapat ang pusong ito sayo.
Ngunit ikaw ang kusang tumanggi dito.Ramdam ko iyon...
Ramdam kong pilit na lang ang tayo.
Akala ko, ako lang ang nasa pusong iyo,
Pero s'ya na pala ang may-ari non."Minahal mo ba 'ko?" tanong ko.
"Ano bang nangyayari sayo?" sagot mo.
"Alam kong pilit na lang lahat" tugon ko.
"Hindi kita maintindihan" sagot mo.Mapapangiti na lang ako ng mapait,
Sa bawat sagot mong napaka sakit.
Ni hindi mo ba talaga kayang ipahatid?.
Na hindi na ako ang babaeng sa puso mo'y nakalubid?.Natatakot ka bang malaman ko?.
Pero naman!, batid na batid na nito,
Nitong puso kong minahal ka ng todo,
At hanggang ngayon nilulubos lubos ko.Lubusin ko man ang pagbibigay ng pagmamahal,
Alam ko namang hindi rin 'to magtatagal.
Sasabihin at ipaparamdam mo din naman,
Sa panahong kaya mo na s'yang ibaglaban.Sana ako na lang s'ya,
Na balang araw kaya mong ipaglaban.
Pero alam ko rin namang wala na akong karapatan,
Lalo pa't, ikaw ay pinili s'ya.Hilingin ko man na ako na lang,
Bandang huli, lalabas, na s'ya lang.
Bukingin man kita sa iyong nagawa,
Ano naman ang aking mapapala?.Sakit lang din naman ang madadama,
Paniguradong, mahihirapan akong kumalma.
Ano pa ba ang aking magagawa?,
Wala na, kundi ang sa tadhana'y magtiwala.Tadhanang nagtatakda,
Na akala ko'y ikaw ang inihanda.
Nilubos ko ang aking inakala,
At nagbunga ng isang pagpapala.Pagpapalang sa ngayo'y masakit,
Ngunit sa tingin ko'y may pinapabatid.
Maaaring gusto nitong ipahatid,
Na sa buhay ay makakaranas ka ng sakit.Pangyayari at karanasang parte ng buhay,
Na kaya mong maipagtagumpay.
Pero alam kong, sa sitwas'yon ko ngayon,
Mahihirapan akong ito'y iayon.Nasa kaso pa ako ng pagkakabuhol,
Ngunit hindi ito sa puso mo, nakabuhol.
Nakatali ito sa maaari pang mapagkapitan,
At nagbabakasakaling, muli kang mapuluputan.Unti unti mo akong sinusuri,
Hanggang sa nabanggit ko na ang dati'y pakiwari,
Na pakiwaring ngayon ay pawang katotohanan,
At alam kong nabatid mo na ang iyong kasalanan.Marahil nga pinagtagpo lang talaga tayo,
Pero kailan man, walang panghabang buhay, na tayo.
At kailangan kong tanggapin ito,
Ng sa gano'y, magawa kong mapahilom, ang puso kong..... naloko.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryI'm not a pro at poetries, but I'll do creating poems by expressing my feelings or what I feel for the things that I've saw like movies, stories etc. this poetry is for fun lang po but can reflect to the others, for someone who can relate on my poem...