Sa t'wing nakikita ko
Itong maliit na instromento
Naaalala ko
Ang mga itinuro moSa bawat pisi
Na siyang nakatali
Sa magkabilang dulo
Nitong kay liit na kurbadoNa siyang dahilan
Ng pag alalang walang katapusan
Sa mga kamay mong talentado
Na siyang tumutugtog sa maliit na instromentoMarahil dahil sa iyong turo
Kaya nahulog itong puso
Kahit hindi pwede ang tayo
Kasi babae ka babae akoPero kahit ganun man ang sitwasyon
Pinilit ko paring, ika'y matunton
Subalit hindi ko rin nakayanan
Sapagkat may nakatira na sa iyong tahananMasakit man
Ngunit kailangan
Kailangang iwasan
Na mahalin ka at ang pagkagusto'y kalimutan
Yun ang tanging paraan
Upang hindi lubusang masaktan
Itong puso na ang alam lang
Ay tanging mag mahal***********

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryI'm not a pro at poetries, but I'll do creating poems by expressing my feelings or what I feel for the things that I've saw like movies, stories etc. this poetry is for fun lang po but can reflect to the others, for someone who can relate on my poem...