Luha

3.8K 78 15
                                    



Sa bawat patak ng luha ko....
Ikaw agad ang nasa isip ko.

Sa bawat patak ng luha ko....
Mga alaala ko'y
Muling nabubuo.

Mga matang namumugto
Dahil sa ikaw ang
Naiisip ko.

Mga matang namumugto
Dahil sa mga sakit
Na dinanas ko.

Bawat patak ng luha ko
May kahulugan na
Tumatagpo sayo.

Mga kahulugang
Masakit isipin.

Mga kahulugang mahirap
Tanggapin.

Mga kahulugang
Kayhirap paalisin
Sa isip.

Mga kahulugang
Paikot ikot sa
Utak kong sumasakit
At maging ang puso
Kong naging sawi.

Puso ko'y lumuha, dahil
Sa mga sakit na
Iyong ginawa.

Sawang sawa na
Akong umasa,
Dahil sa huli
Ako ang magdudusa.

Sawang sawa na akong
Lumuha, dahil sa huli
Ako itong aasa.

Pero bakit sa tuwing
Nakikita ka, mga
Luha'y nangunguna?

Bakit sa tuwing
Lumalapit ka mga
Sakit ay hindi pumapalya?

Bakit sa tuwing
Dumadampi ang mga
Kamay mo sa braso ko,
Bumibilis ang tibok ng
Aking puso?

Bakit sa tuwing
Kinakausap mo 'ko'y
Parang walang
Naging tayo?

Pagsama samahin man
Ang mga 'Bakit?' na ito.
Luha parin ang siyang
Tumatubo.

Kaya gusto ko ng
Lumisan sa mga
Sakit na dinanas
Ko.

Kaya luha tamana.
Huling patak na
Lang ang ibuga.
Para ang sakit
Ay lumisan na.
Ng sagano'y wala
Ng masaktan pa.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon