Triplets who were apart ever since the day they were born and have no idea they even have siblings who look exactly like them. A princess. A celebrity. A horseback rider.
What will be the odds if Lara (Lisa) bumps into the three of them in differe...
"Your schedule is very hectic for the whole month, Ruby. Di ka pwedeng magpuyat at magparty palagi. Ano nalang sasabihin ng mga fans mo? Na nagiging pangit ka na dahil lumalaki na yang eyebags mo o di kaya dahil unti-unti kang nagmumukhang adik dahil pumapayat ka ng pumapayat."
Huminto ako sa paglalakad at tinignan ng masama ang manager kong si Keifer.
Ako? Pangit? Ridiculous. Payat? I LOOK JUST FINE.
"Hindi ako papanget, Keifer. Isinilang akong maganda kaya mamamatay akong maganda. And my body is perfectly fine! You're over reacting."
Nagpatuloy akong lumakad palabas ng stadium. Kakatapos lang kasi ng concert ni Tiffany at ngayon ay papunta ako sa soiree ni Arsinoe.
Pinagbuksan agad ako ng pinto ng mga guards ko at agad rin namang bumungad ang mga paparazzi. Buti nalang at nakashades na ako, mahirap na kung masira yung vision ko. Ipapabagsak ko talaga ang mga agency ng mga paparazzi na mga yan.
"Ruby! Ruby! Smile!"
"Ruby ang ganda mo talaga!"
"Ruby! Pose ka naman diyan!"
Nagpose naman ako.
"Ano yan? May artista ba?"
"Mukhang meron ata. Katatapos lang ata ng concert."
"Sayang di mo nadala yung camera mo!"
"Sinong artista ba yan?"
"Yun oh!"
Kitang kita ko yung kamay na ako mismo ang tinuturo. Sila pala tong naririnig kong nag-uusap.
Binaba na ngayon nung matangkad na babae na singkit, medyo chubby yung cheeks at black yung buhok yung kamay niya na kanina lang ay nakaturo sa akin. May dalawa pa siyang ibang kasama. Yung isa may buhok na tulad kay Taylor Swift, blonde, mahaba nga lang yung buhok niya. Yung isa naman nilang kasama ay naka beanie at shoulder level yung buhok.
Tinaasan ko sila ng kilay. Di nila ako kilala? Anong planeta sila galing at bakit hindi nila ako kilala?
"Artista na yan? Ang pangit ng suot." Sabi nung babaeng nasa gitna. Yung blonde na mahaba yung buhok!
EXCUSE ME? THE NERVE? DID SHE JUST SAY I DIDN'T PULL OFF THIS OUTFIT?
Naramdaman kong umuusok na yung galit ko.
"Ruby, tama na yang pictures nakarami na sila. Pasok ka na sa sasakyan." Pinagbuksan ako ng pintuan ni Kiefer.
Sinigurado ko munang di ko makakalimutan ang pagmumukha ng babaeng sinabihan ako na pangit ang suot ko. CHANEL? pangit? UNACCEPTABLE.
"Ruby. Pumasok ka na."
Pumasok naman agad ako sa limousine ko dahil mukhang mamo-mob na ako ng mga paps.
Humanda ka pag nagkita ulit tayo, Taylor Swift wannabe. Humanda ka.
— [A/N]
(1) Matangkad na babae na singkit, medyo chubby yung cheeks at black yung buhok
Kang Seulgi as Erin Ramirez
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(2) May buhok na tulad kay Taylor Swift, blonde, mahaba nga lang yung buhok
Lisa Manoban as Lara Isagani "Lisa" Diaz
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(3) Naka beanie at shoulder level yung buhok
Hirai Momo as Chantelle "Shan" Fuertes
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.