3RD PERSON'S POV
"Konting tiis pa, Atarah!"
"AGHHHHHH!!!!"
Patuloy na sumigaw sa sakit sa kakapilit ni Atarah na mailabas ang mga sanggol sa kanyang sinapupunan habang inaalalayan siyang mag-isa ni Florita sa mumunti nitong kubong tinitirhan.
Matagal nang magkaibigan si Atarah at Florita.
Noon pa man, nung laging nakikita ni Atarah si Florita na palaging puno ng putik ang damit sa may tapat ng bahay nila na nakaupo sa ilalim ng puno ng manga tuwing uuwi siya galing sa eskwelahan. Simula nun ay palagi niya na itong tinutulungan at pinapapasok sa mansyon nila at nakikipaglaro pa kasama nito.
Hindi siya kailanman nandiri kay Florita. Tinuturi niya na ito bilang sariling kapatid simula nun.
Kaisa-isang anak lang si Atarah ng mga De Luca. Isa sa mga mayayaman at maipluwensiyang mga pamilya sa Mandaue, Cebu. Ang ama niya na si Alexandre De Luca, ay ang tanging nagmamay-ari ng De Luca Corporations, na kung saan kilalang kilala ito dahil sa pagiging successful at dahil sa karamihang nag iinvest dito ay galing sa mga iba't ibang bansa. Habang ang ina niya namang si Ariella Dimaano ay isa sa mga respetadong judge na graduate galing sa Stanford University.
Kahit palaging walang oras ang mga magulang ni Atarah sa kanya, iniintindi niya naman ito. Tumatawag naman o di kaya ay pinapadalhan siya ng mga sulat ng mga magulang niya kapag nasa ibang bansa ang mga ito. Dahil dito, ang lagi nalang na kausap ni Atarah ay yung mga kasambahay nila, yung mga driver at minsan naman yung kaisa-isang batang kapatid ng tatay niya na si Antoinette De Luca, na minsan ay dumadalaw sa mansyon nila kapag dumadalo siya sa Pilipinas dahil sa negosyo.
Nang dumating si Florita sa buhay ni Atarah, malaking saya ang naidulot nito sa kanya. Pinakausapan pa niya nga ang mga magulang niya na ampunin nalang nila si Florita pero hindi sumang-ayon si Antoinette nang marinig niya ito dahil madudungisan daw ang pangalan ng mga De Luca. Pero sa totoo lang, dahil lang talaga yun sa matapobre siya.
Ngunit sumang-ayon naman ang mga magulang ni Atarah na pag-aralin din si Florita, para may kaibigan namang maaasahan si Atarah sa eskwelahan niya. Yun nga lang ay sa paglipas ng mga taon, nais ni Florita na wag nang tumira sa mansion ng mga De Luca dahil nahihiya na ito sa laking ng tulong ng mga ito sa kanya. Dahil kagustuhan ito ng matalik niyang kaibigan, pinagawan siya ng magandang munting bahay ni Atarah nung nag college sila at binibilhan din siya ng mga pagkain at iba pang mga kagamitan para sa bahay niya. Sobrang pasalamat ni Flor sa kaibigan niya dahil sobra sobra ang biyaya na laging dala nito para sa kanya.
Isang malakas na iyak ang pumalibot sa buong munting bahay ni Flor at tila para bang nabunutan ng isang malaking tinik si Atarah.
"Ang ganda ganda ng anak mo, Ara." mahinahong sabi ni Florita at inilapit ang unang sanggol sa nanay nito.
Tumulo agad ang luha ni Atarah nang pinagmasdan ang kanyang umiiyak na sanggol.
"Ano ang ipapangalan mo sa kanya?" tanong ni Florita.
"Jennie."
"Jennie." pag-uulit ni Florita sa sinabi ni Atarah bago niya inihiga ito sa kama sa tabi ng ina nito.
"May lakas ka pa ba?" pagbalik tuon ni Florita sa buntis. Tumango lang si Atarah habang pinagpapawisan ito.
Mabilis lang ang paglabas ng dalawa pang sanggol kumpara dun sa nauna. Ruby ang pangalan ng pangalawang sanggol habang Jane naman yung panghuli. Sa oras na to' ay mahimbing na nakatulog ang tatlong sanggol sa tabi ng kanilang ina.
"Florita..." nanghihinang tawag ni Atarah. Agad namang lumapit si Florita sa kanyang tabi.
Ngumiti si Atarah bago nagsalita muli.
"Salamat." hinawakan niya ngayon ang kamay ni Florita.
Unti-unting bumagsak ang mga luha ni Atarah sa kanyang mukha pero ngumiti parin ito habang nakatingin sa matalik niyang kaibigan.
"Salamat. Salamat dahil lagi kang nandyan."
"Ara..."
Mas humigpit ang kapit ni Atarah sa kamay ni Flor.
"P-pwede bang humiling ako sayo? P-pangako huli n-nato.."
"Ara, huwag kang magsalita ng ganya-"
"Flor... di ko na kaya." bumuhos ang mga luha ni Flor at niyakap ang hawak niyang kamay ni Atarah. Alam niya kung san ito patungo pero hindi pa niya kaya. Huwag muna.
"Flor... makinig kang mabuti..."
"G-gusto kong dalhin mo ang mga anak ko sa malayong lugar. Yung m-malayo dito."
Agad na kumunot ang noo ni Flor dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
"H-huwag na huwag mo hayaang makita sila ng pamilya ko. Alagaan mo sila ng m-mabuti."
"Ara, hindi ko naiintindihan... bakit?"
"May ilaw po sa loob, Don Raphael!" rinig na rinig ang boses ng isang lalake galing sa labas at paniguradong marami pa itong mga kasama.
"F-flor... bilis itakas mo ang mga anak ko." agad nataranta si Flor sa gagawin. Hindi niya naiintindihan kung anong nangyayari.
"Ano?? Pero pano ka?! Teka! Anong nangyayari?!"
"F-flor... nagmamaka-awa ako sayo."
"Pero Ara-"
"Iwan mo na ako."
"Ara, hindi pwede! Hindi kita naiintindihan! Tatawag ako ng mga pulis!"
Agad na hinawakan ni Ara yung nanginginig na kamay ni Florita.
"I-iwan mo na ako. Iligtas mo ang mga anak ko."
Kahit labag sa kalooban ni Flor na iwan ang kaibigan niya, mabilis niyang dinampot ang tatlong sanggol at mabilis itong itinakas.
Nilingon niya ang kaibigan niyang nawalan na ng malay ngayon sa kama nito. Malaking kurot at sakit ang nararamdaman ni Florita ngayon habang tumatakbo palayo sa bahay niya.
Nasa kamay niya ang kaligtasan ng mga anak ni Atarah at yun lang ang tanging nasa isip niya habang tumatakbo dala-dala ang tatlong mga sanggol.

YOU ARE READING
Gotta Be You
FanfictionTriplets who were apart ever since the day they were born and have no idea they even have siblings who look exactly like them. A princess. A celebrity. A horseback rider. What will be the odds if Lara (Lisa) bumps into the three of them in differe...