Chapter 3

220 11 2
                                    

JENNIE'S POV

"Magandang umaga!" maligayang bati ko sa mga kapitbahay namin na ngayon ay abala sa pag-ani ng mga gulay at prutas.

"Oh, hija. Magandang umaga rin sayo. Kumain ka na ba?" tanong ni Aling Neneng na umayos na sa kakayuko niya.

"Hindi pa po. Kayo po ba?"

"Naku, tapos na kami, hija. Kumain ka na! Nagluto ng kamote si Roseline sa bahay namin, basta gusto mo! Mainit pa yun! Puntahan mo nalang si Rosie!"

"Salamat po, Aling Neneng. Si Nanay po pala nasaan?"

"Maagang pumunta sa flower farm. Wag mo na raw siyang hintayin baka matagalan siya dun."

"Ah ganun po ba."

Bakit palaging pumupunta si Nanay sa flower farm kapag tulog pa ako? Ayaw niya ba akong isama?



"Jennie!! Tamang-tama at mainit pa yung kamote! Halika!" napatawa ako kay Roseline na agad na nilamon yung kamote na isa-isa niyang sanang kainin.

Pumasok naman agad ako sa loob ng bahay nila at tinabihan siya sa lamesa para kumain ng kamote.

"Jennie, malapit na pala ang kaarawan ko." Nilingon ko siya.

"Ilang baboy ang gusto mong ipa lechon? Ano ang nais mong regalo? Sabihin mo lang at ako na ang bahala." pareho kaming tumawa sa sinabi ko.

Pero agad na sumeryoso ang kanyang mukha.

"Gusto kong samahan mo ako."

Kumunot yung noo ko. Samahan saan?

"Saan?"

"Sa Maynila." Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ang layo.

"Maynila? Ang layo naman ata niyan. Anong gagawin mo dun?" sabi ko sabay kain sa inihain niyang kamote sa lamesa.

"Kukunin na ako ng kapatid ni Nanay Neneng. Dun na raw ako titira at maghahanap ng trabaho para makatulong naman ako ng kahit konti kay Nanay."

Napatigil ako sa pag kain.

"Iiwan mo si Aling Neneng?"

Matamlay na ngumiti si Rosie. "Gusto ko rin sanang sumama siya sakin pero ayaw niyang iwan ang sakahan. Dito na siya lumaki at sobrang napamahal siya dito na di niya ito kayang iwan. Kahit anong pilit kong gawin, ayaw niyang sumama." malungkot niyang sabi.

Parang sariling anak na ang turing ni Aling Neneng kay Roseline. Tulad ko, wala na rin siyang mga magulang. Pareho kaming pinalaki at ikinupkop nina Aling Neneng at Nanay Flor. Simula pa nung kami'y bata pa lamang ay dito lang kami sa bukid naninirahan ng simple. Sa murang edad ay natuto na kaming magtanim ng iba't ibang gulay at prutas. Natuto na rin kaming mag-alaga ng iba't ibang hayop tulad ng baboy, baka, aso, mga manok at mga kabayo. Yun nga lang mas malapit kami sa mga kabayo. Sumasali pa nga kami kung may karera sa kabilang bayan na malapit lang at kung minsan ay papalarin, nananalo kami.

"Ano? Sasama ka ba sa akin?"

"Rosie... alam mo naman na hindi ako papayagan ni Nanay."

"Isasama natin si Aling Florita! Papayag yun."

"Hindi ko alam..."

"Bakit naman? Jennie, mag bebente-uno ka na pero di ka pa nakakahalubilo sa ibang mga tao maliban dito sa ating mga kapitbahay. Dapat nga may jowa ka na, sa ganda mong yan mas maraming magkakagusto sayo sa Maynila... mga mayayaman at mga gwapo pa-"

"Anong Maynila?" nagulat kami ng biglang dumating si Nanay Flor na may dalang isang basket na puno ng iba't ibang klaseng bulaklak.

"Nay..."

— [A/N]

Park Chaeyoung as Roseline "Rosie"Parilla

Park Chaeyoung as Roseline "Rosie"Parilla

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Gotta Be YouWhere stories live. Discover now