- CHAPTER 3 -
- THE PAST -
Joyce's POV
Nandito kami sa may canteen ngayon, tinitignan ko ang mga estudyanteng pumapasok. Iba't-ibang personalities ang nakikita ko sa kanila. May iba, unang tingin pa lang, alam mo na agad ang ugali. Napatingin ako kay Jay. Ang layo ng tingin niya. Side view ang nakikita ko sa kanya. May hitsura din sya. Pero ng napatingin ako sa may bandang left ear niya, napansin kong may mga butas ang tenga niya. at medyo brown ang buhok. "is he a gangster ??" tanong ko sa sarili ko ...
Jay's POV
Ang tagal naman nila Pette, gutom na ako. Habang naka tingin ako sa may back door ng canteen, bigla kong nakita si Jane (ex ko) na kasama si John (new boyfriend nya).
*FLASHBACK*
"Let's end it. I don't love you anymore !!" Jane said.
Sa sobrang gulat ko, wala akong masabi. Nakatingin lang ako sa kanya at maluha luha na.
"It's not worth it, ayoko na. Hindi na nag improve yung relationship natin."
Napahawak ako sa may balikat nya at tumutulo na rin yung luha sa mga mata ko. Sineshake ko na din sya.
"Nagbibiro ka lang diba ?? sabihin mo NAG BIBIRO KA LANG !!!" Napasigaw na ako. Umiiling lang sya.
"No !! it's all true. IT'S ALL TRUE !!! Let me go now. Hindi na ako masaya."
"PU***A NAMAN !! ANO BA GUSTO MO ?? IBIBIGAY KO WAG KA LANG UMALIS !!!"
"Hindi na talaga kita mahal, KAYA PWEDE BA ?? Kung mahal mo ko, mas pipiliin mong maging masaya ako. Kay John Lang ako magiging masaya. WE'RE OVER !!!!" Tumalikod na sya at umalis na. Ganun na lang ba yun ?? After ng 2 years relationship nyo ganun na lang yun ?? SH*T TALAGA !!!!!!!!!!
*END OF FLASHBACK*
Nung nakita ko sila Jane, umalis muna ako sa table namin at lumabas muna sa canteen. Babalik na lang ako maya-maya.
* * * * * * *
"San pupunta yun ??" tanong ni Carlo sakin. Nag kibit balikat na lang ako dahil bigla na lang syang tumayo. Dumating na din sila Nath na dala ang pagkain namin.
"Nasan si Jay ??" Tanong samin ni Xander. Walang sumagot samin. Bumalik na kami sa kanya kanya naming pwesto. After 10 minutes, bumalik na si Jay at umupo sa pwesto nya.
"Pre, sa'n ka pumunta ??" Tanong ni Pette kay Jay.
"Ah, nag c.r. lang ako."
"c.r. ?? bakit ang tagal naman ??" Sabi ni Carlo.
"Natural breaktime maraming tao. Kumain na nga lng kayo dyan." Nagtawanan muna at kumain na din kami.
Joyce's POV
Bumalik na kami sa classroom. Sina Pette, Xander, Nath at Carlo nandun sa may bintana sa Corridor. Si Jay ?? Ayun, nakayuko nanaman. Biglang may lumapit na 5 babae sakin. Akala ko makikipagkaibigan, game pa naman ako ng biglang ....
"Hoy babae ka, ang landi mo din no ? bago ka pa lang tapos puro lalaki na yang kasama mo !!" sabi ni Nicole. teka, ang alam ko lang, maganda ako at hindi ako malandi at tsaka, kasalanan ko ba kung lumapit yung 4 na yun sakin ??
BINABASA MO ANG
My First Love's A Gangster (On-Hold)
Dla nastolatkówthis is a story how the girl felt inlove with such a stupid gangster that she didn't know she falls deeply inlove with. read the story so you can now know how it happened .. enjoy reading ... hope you like it ... !!! :)))