SEVENTH

14 2 0
                                    


Chapter 7: Chaotic  mind.

---

"Hoyyyyyyy! Bumangon ka nga diyan! Magtutuos pa tayo! Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na may kakambal ka palang hinayupak ka?! Huhu, nagkamali pa tuloy ako kanina. Nagmukha pa akong praning at desperada sayo. " eksaherada kong sigaw sa puntod ni trevs.

Well, dati lang naman ako napaparaning sayo. Ngayon, ewan ko. Pakiramdam ko may kulang at kahit kailan hindi  na kayang punan ng kahit sino. Kase wala na siya, wala na yung taong intinadhanang bubuo sa sarili ko.

Ang hirap ng ganito. Ang sakit sa puso. Kung pwede lang mamatay ngayon, eh baka kanina pa ako nakabulagta dito. Puta!

Pinunasan ko ang mga luhang muling umagos mula sa mga mata ko. Umiiyak na naman ako. Kailan pa ba masasaid tong luhang to. Napapagod na akong umiyak ng umiyak.

"Hoyyyyyy! Sabing gumising ka diyan, eh! Ano ba? Abuso ka na ah! Masarap ba talaga akong iwan ha! Bumangon ka na diyan! Bakit ba ayaw mong bumangon at harapin muli ako? Masarap ba sa feeling humiga diyan? Ang selfish mo naman bakit Hindi mo man lang ako sinama?! Bakit umalis ka nang mag-isa?! Huhu! " nababaliw ko nang palahaw sa harapan ng puntod ni Trevs.

"Hindi pa ba ako sapat, huh?! Hindi ko ba naibigay lahat ng kailangan mo? Bakit naman ganito! Dati madalas nating tahakin ang langit kahit kama lang ang ating gamit. Hindi ko naman alam na gusto mo na pala talagang tahakin yung literal na langit! Pvta!" Muli kong sigaw.

Agad naman akong napadaing nang dumapo ang mga kamay ni Moshie sa aking braso.

"GAGA KA! Nawala lang si Trevs naloka ka na! " sigaw niya.

Napahagikhik naman ako. Mukhang naloloka na nga ako. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Pinagpagan ko muna ang aking palda saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Bahala ka na nga diyan! Snob ka ba sa personal ha! Mukhang may party ata diyan sa langit at di mo ko pinapansin ah! O baka pinalitan mo na sa trono si satanas. Tang*nang Satanas na yan! Hayssssss... " dagdag ko pa.

THE DAY I LOVED YOU.Where stories live. Discover now