first

29 2 0
                                    


CHAPTER 1: Hello, past.

---

"Memories are still memories. You will never get rid of those, when you didn't let go the past"

---

I close my eyes as the cool wind breeze send chills all over my body. This day, I met someone.

Someone, who I can be with in the near future. But, I can't see myself with him in the future. It's just that, I still doubting those feelings of mine towards him to grow.

I'm just scared. What if we're not the end game. What if we're not really meant for each other. 'Di ba? Hindi pa nga kami naguumpisa pero, kinakabahan na ako. Pano kung hindi kami para sa isa't-isa, edi sayang lang pala yung pagmamahal na iaalay ko sa kanya.

Puro na lang 'what ifs'. Ang gulo, nakakahilo. Masyadong masakit sa ulo. Bumagyo lang ng feelings, bumaha na kaagad ng 'what ifs'. Kailangan pa bang kumulog, bago ako matauhan o kailangan na talaga akong makidlatan para tuluyan na akong magising sa katotohan at nang maibaon na sa limot itong walang kwenta Kong kahibangan.

Haysss. I'm not scared for falling in love. I'm just scared to get hurt. Takot akong masaktan. Hindi pa ako handang sumugod sa digmaan ng pag-ibig. Lalo na't ngayon na wala pa akong lakas para lumaban.

Haysss. I stand as I let out a deep sigh. I just shrugged the thought off before it kills my mind, thinking if I'm really into him.

Bago ko, lisanin ang lugar. Kumuha muna ako ng isang maliit na bato, saka ko ito ibinato sa lawa.

Sana hindi ako nagkamali sa binitiwan Kong desisyon. Hindi pa ako handa para masaktan at umuwing luhaan.

---

4:00 na, nang makauwi ako sa bahay. Mula pa sa kalayuan tanaw ko na ang maraming bilang ng mga sasakyan sa labas ng aming bahay. Ano kayang okasyon ngayon?

Binilisan ko na lang ang paglalakad at marahang pumasok sa loob ng bahay. Andaming bisita, anong ganap? Parang hindi naman ata ako na-inform.

Panay ang mano at bati ko sa mga kamag-anak ko. May reunion ba kami ngayon? Hays. Ano ba yan! Bat di ko alam to?!

Nang tuluyan na akong makapasok sa bahay ay nakita ko si Mama kasama sila Tita. Agad naman akong lumapit sa kanila para bumeso.

"Oh, Sweetheart. Anjan ka na pala" bati ni mama saka ako hinalikan sa pisngi. Nakipagbeso na rin ako sa mga tita ko.

"Ma, anong meron? Bakit parang may pa-party si Boss?" tanong ko.

"Ano ka ba naman anak, siyempre birthday mo ngayon. Kaya malamang na maghahanda talaga kami ng party para sa iyo. Wag mong sabihing nakalimutan mo?" Sagot ni Mama.

Birthday ko pala? Myghad! I forgot! Haysss, iba talaga epekto ng love na yan eh. Pati tuloy birthday ko nakalimutan ko. Masyadong pinagugulo ng love na yan ang utak ko. Ackkkk!

"Owwww! I forgot ma, sorry. Akala ko kung anong ganap eh. Siguro stressed lang talaga ako these last few days. Alam mo naman Ma, masyadong toxic sa school." sabi ko. Dahil ba ito sa love o sadyang nagiging makakalimutin na ako?

THE DAY I LOVED YOU.Where stories live. Discover now