"Sana talaga magkita na tayo ulit." nakangiting sabi ni Jessa
Kakatapos lang nitong isulat ang liham para sa pinakamamahal nitong si Jim. Mahigit dalawang taon na din kasi simula noong umalis si Jim at ang pamilya niya sa probinsya kaya naman hindi na nila nakita pa ang isa't isa.
Nangako din naman si Jim kay Jessa na babalik ito kapag nakapag tapos na sila nang pag aaral at ilang buwan na lang din naman ay pareho na silang magtatapos ng kolehiyo. Sobrang nangungulila na si Jessa kay Jim lalo na at hindi sapat ang mga sulat para maramdaman niyang mahal siya ng binata. Sa probinsya kasi nila ay hindi umaabot ang mga bagong pamamaraan upang magkaroon ng komunikasyon sa isang tao na malayo sayo.
"Jessa anak, halika na at magsisimba pa tayo." tawag ng ina nito kaya agad naman tumayo dala ang sobre na naglalaman ng sulat niya para kay Jim
Pagkatapos ng misa ay ipinadala niya na ang sulat kay Jim, kapag natanggap ito ng binata at paniguradong may sulat din na babalik sa kanya kaya naman sobra ang saya niya kahit hindi pa sigurado kung kailan darating ang sulat na gusto niyang makuha.
Mabilis ang pag lipas ng oras kaya naman napapalapit na din ang pagbabalik ni Jim. Ngunit nagtaka nalang si Jessa nang ilang buwan na din ay hindi pa rin siya pinapadalhan ng sulat ni Jim.
"Marami kaya siyang ginagawa? Gusto ko na siyang makita." malungkot na sabi ni Jessa
Agad naman siyang inakbayan ng kaibigan nitong si Martin sabay ngiti.
"'Wag kang mag alala, nandito naman ako." aniya at ngumisi
Inirapan lang siya ng dalaga at bumuntong hininga nalang.
"Mabilis naman ang pag lipas ng oras kaya naman siguradong babalik na siya dito. Makakasama mo din siya kaya 'wag ka nang mag alala." sabi ni Martin
Ngumiti naman si Jessa sa kanya kahit na ramdam niya pa rin ang lungkot dahil sa pangungulila sa kasintahan. Paulit ulit niyang inisip ang lahat hanggang sa makapag tapos nalang siya ng kolehiyo ay hindi parin nagpaparamdam si Jim.
"Ma, luluwas po ako ng maynila. Magsisimula na po akong mag hanap ng magandang trabaho." sabi niya sa ina
Agad naman siyang kinausap ng ina at nag bilin ng maraming bagay. Hindi lang dahil sa trabaho ang dahilan niya para lumuwas ng maynila kung 'di ay gusto niya ring makita ang taong pinakamamahal niya. Kung hindi pa magawang umuwi ni Jim sa probinsya nila mas mabuting siya nalang ang pumunta kung saan siya nakatira.
Nababalot siya nang kaba habang nasa biyahe ngunit nang makarating siya ng maynila ay halos mamangha na siya sa lahat ng nakita.
"Malapit na kitang makita, Jim." naiiyak nitong sabi
Si Jim lang ang lalaking minahal niya nang sobra. Minsan na siyang nangarap na maikasal sa binata at ngayon ay gusto na niya itong mangyari. Tapos na sila sa pag aaral kaya naman sa oras na makahanap na siyang nang magandang trabaho ay pwede niya nang makasama ang binata at makakatulong pa siya sa kanyang pamilya.
Dalawang araw lang ang lumipas ay nakapag hanap na nang magandang trabaho si Jessa at meron na din siyang maayos na natutuluyan sa maynila. Ang kulang nalang ay ang mahanap niya si Jim ngunit mukhang mahihirapan siya dahil nang puntahan niya ang address ng binata ay hindi na daw sila doon nakatira.
"Masyadong malaki ang maynila, Jessa. Mahihirapan kang hanapin ang lalaking 'yon." sabi nang katrabaho nito
"Bahala na! Kung nakaya ko nga ang mahigit dalawang taong paghihintay na makasama siya ito pa kaya na tanging pag hahanap nalang kung nasaan siya." nakangiting sabi nito