Pangako

23 1 0
                                    


"Jason naman, ano ba kasing nagawa kong mali? Saan ba 'ko nag kulang? Ano bang dahilan mo?" Umiiyak na sambit ni Aliya sa kasintahan nitong si Jason.

"Sinabi ko na sa'yo, ayaw ko na! Sawa na ko sa'yo. Pagod na ko sa'yo. Hindi na kita mahal, naiintindihan mo?" Galit na sabi ni Jason habang pilit na kumakawala sa yakap ni Aliya.

"Paano naman ako? Mas pipiliin mo yung bago mo kesa sa'kin? Ano bang mayroon sa kanya na wala ako?"

"Wala ka ng pakialam doon. Sorry, pero break na tayo."

Parang dinudurog ng paulit-ulit ang puso ni Aliya habang nakatingin kay Jason na naglalakad papalayo. Matagal na sila. Masaya naman sila, pero bakit nag bago nalang ang lahat ng 'di man lang niya namamalayan?

"Aliya, apo?" Tawag ng lola ni Aliya ng makauwi na ito sa bahay nila.

"Lola," muling pumatak ang nga luha nito at agad na yumakap sa matanda.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak, apo?"

"Lola, ano bang kulang sa'kin? Bakit parang ang dali kong palitan? Ano bang mali sa'kin?"

"Iniwan ka niya?" Seryosong tanong ng lola ni Aliya.

Hindi naman naka-imik si Aliya at naupo nalang sa silya. Agad din namang tumabi ang lola niya sa kanya at hinagod ang likod nito upang patahanin.

"Pagod na daw siya sa'kin. Nakakasawa na daw ako. Hindi na daw niya ako mahal. Bakit ganoon, lola? Pinagpalit niya ako sa taong bago niya lang nakilala? Ganoon ba kadaling baliwalain yung pinagsamahan namin? Na sa isang iglap lang, pinili niya yung taong kakakilala niya lang."

Nang tiningnan ni Aliya ang kanyang lola sa mata ay agad itong naguluhan dahil nakangiti ngayon ang matanda.

"Naaalala mo ba yung kinuwento ko sa'yo? Noong iniwan ako ng lolo mo at pinili niya ang bago niya?"

"Bakit po, lola? Ano po bang mayroon doon?"

"Hindi ako naniniwala na nawawalang bigla ang pag-ibig. Oo, napapagod yung tao. Oo, nagsasawa sa pabalik-balik na sitwasyon at problema. Oo, nakakasakal ang mga bagay na hindi natin maintindihan. Pero hindi 'yon ang rason para mawala ang pagmamahal. Kapag malungkot tayo, gusto natin sumaya. Kapag sumaya tayo, ayaw na natin lumungkot. 'Yon ang rason kaya iniiwan tayo ng tao. Ayaw nila sa totoong pagmamahal dahil alam nilang nalulungkot at nasasaktan sila. Pero gusto nila sa panandaliang kaligayahan na akala nila ay walang hanggangan. Wala kang pagkakamali. Wala tayong pagkakamali. Dahil ang totoong nagmamahal, kahit tukso ng panandaliang kaligayahan, hindi papatulan. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil iniwan ka, magpasalamat ka dahil nalaman mong hindi ka totoong minahal ng taong nang iwan sa'yo. Bakit siya sasama sa iba kung ikaw ang tumanggap at nakasama niya sa mahabang panahon? Kasi naghahangad siya ng kaligayahan. Pero hindi sa lahat ng oras puro saya. May kapalit na sakit. Sa tingin niya ba hindi niya mararanasan sa iba ang naranasan niya sa'yo? Para lang din siyang bumagsak sa pagsusulit at umulit sa simula. Hindi niya pinag-aralan ang sitwasyon para manatili. Bagkos, pinili niyang bumagsak dahil sa ibang dahilan."

"Pero lola, mahal ko siya." Humihikbing sagot nito.

"Nawalan siya ng taong kaya siyang mahalin kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Nawalan siya ng taong kaya siyang piliin ng paulit-ulit kahit ang dami niyang pagkukulang. Noong ikaw ba ang nagkulang, iniwan mo ba siya? Hindi, 'di ba? Noong ikaw ba ang napagod, humanap ka ba ng iba? Nanatili ka, hindi ba? Mali ang desisyon niyang iwan ang taong minahal siya ng sobra. Tayo mismo ang pumipili ng taong gusto nating makasama hanggang sa pag tanda. Pinili mo siya, pero pinili niya ay iba."

Napayuko na lamang ang dalaga habang umiiyak.

"Hindi alam ng lahat na ang salitang i love you, mahal kita, gihigugma kita, magkakaibang lingguwahe, pero iisa ang ibig sabihin."

"Ano po?"

"Pangako, mamahalin kita hangang sa aking huling hininga."

~wakas~

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon