Pangako

142 6 1
                                    


"Tapos ka na ba sa pag aayos?" tanong ni Ben kay Tanya

"Tapos na!" masayang sabi naman ni Tanya sa kasintahan

Ngayon ang kanilang ika-walong anibersaryo bilang magkasintahan. At sa pagkakataong ito ay may balak na si Ben na pakasalan si Tanya.

Sa walong taon na magkakilala silang dalawa ay hindi niya na ipagpapalit pa ang dalaga dahil alam niya sa sarili niya na siya lang ang mamahalin niya hanggang sa huling hininga niya.

Dinala siya nang binata sa mga lugar kung saan sila laging nagpupunta. Kabado pa ito sa pagkakataong ito dahil sa isip niya ay may takot siya na baka hindi siya tanggapin ni Tanya at tanggihan ang alok niyang magpakasal silang dalawa.

"Alam mo, kahit pabalik balik na tayo sa lugar na ito, hindi ako magsasawa lalo na at kasama kita." si Tanya at tiningnan si Ben

Nasa tabing dagat sila ngayon kung saan sinagot ni Tanya si Ben noon. Magkahawak ang kanilang kamay at parehong may ngiti sa mga labi ang dalawa.

"Ako din naman, Tanya. Kahit saan mo gustong pumunta gagawin ko lahat para madala kita doon. Wala akong pakialam kung mahirapan ako basta ang gusto ko makita kang masaya kasama ako. Sa walong taon na magkasama tayo, alam ko na sa sarili ko na ikaw na talaga ang gusto kong makasama. Hindi ko na hahayaan pang mawala ka sa'kin." si Ben at hinarap ang dalaga

Lumawak naman ang ngiti ni Tanya sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Kahit saan pa ako mapunta, kasama lang kita sapat na. Kahit gaano pa kagulo ang lahat, hawak ko lang ang kamay mo mapapanatag na ako. Hindi man ako tanggapin nang iba, makita lang kita sa harap ko at maramdaman na mahal mo ako, hindi na ako mangangamba pa sa sasabihin nang lahat. Ikaw lang ang gusto kong makasama. Wala nang iba." si Tanya

Sandaling tumigil ang pag tibok nang puso ni Ben dahil sa hindi maipaliwanag na saya dahil sa sinabi nang dalaga sa kanya. Hindi niya alam ang dahilan pero sa bawat sigundo nang buhay niya patuloy siyang nahuhulog sa babaeng kaharap niya. At hindi niya alam kung ano ang dahilan nito.

"Tanya, walong taon na tayong magkasama. Walong taon tayong nag mahalan. Walong taon tayong naging matatag. Gusto kong ipagpatuloy ang relasyon nating ito pero magagawa ko lang 'yon kapag naiharap na kita sa altar. Tanya, mahal kita." si Ben at agad na lumuhod sa harap nang dalaga

Kita nito ang gulat sa mukha nang dalaga kaya naman mas kinabahan siya pero nilabanan niya ito at agad na kinuha sa bulsa ang isang maliit na kahon na naglalaman nang isang singsing. Agad niyang kinuha at hinawakan nang mahigpit ang kaliwang kamay nang dalaga.

"Handa akong gumising sa umaga para pagsilbihan ka. Handa akong matulog sa gabi nang kasama ka. Handa akong mangako nang libo libo para sayo at gagawin ko 'yon sa bawat sigundong kasama kita. Hindi ko na hahayaan pang maagaw ka nang iba. Hindi ko na hahayaan pang magdalawang isip ka kung ako ba talaga o hindi. Sigurado na ako ngayon na ikaw yung gusto kong makasama. Tanya, puwede mo ba akong pakasalan?" si Ben at kinakabahang tiningnan si Tanya habang nakaluhod siya

Agad namang nakita nito ang luhang pumatak sa mga mata nang dalaga. 

"Ben, hindi mo alam kung gaano mo ako ginulat ngayon. Pero kahit na nagulat ako handa pa rin akong sagutin ang inaalok mo sa'kin. Oo Ben, handa akong pakasalan ka. Handa akong makasama ka hanggang sa pag tanda. Handa akong lumaban sa gera para lang makasama ka. Mahal kita. At paninindigan ko ang dalawang salitang 'yon." si Tanya

Hindi agad nakagalaw si Ben at nanginginig pang isinuot sa kamay ni Tanya ang singsing. Nang makatayo ito ay agad nitong niyakap nang mahigpit si Tanya dahil sa sobrang saya.

"Mahal kita, Tanya."

"Mahal din kita, Ben." si Tanya at niyakap din nang mahigpit ang binata

Halos hindi makatulog si Tanya habang nakatitig sa singsing na nasa kamay niya. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Ben sa araw na ito. Naging masaya din para sa kanya ang pamilya niya nang sinabi nila ito ni Ben kanina. Ngayon ay nasa kuwarto na siya at hindi parin magawang alisin ang mga ngiti sa labi niya.

"Nangyari din ang matagal ko nang hinihiling." nakangiting sabi nito at naiyak na naman dahil sa sobrang saya

Kinabukasan ay nagising nalang siya dahil sa isang malakas na katok.

"Tanya! Anak!" sigaw nang mama nito

Agad siyang bumangon at inayos muna ang sarili bago pinagbuksan nang pinto ang ina.

"Ma, ang aga pa, may problema ba?" tanong nito sa kanyang ina

"Tanya, s-si B-Ben." kinakabahan ang ina kaya hindi nito matapos tapos ang sinasabi

"Bakit? Anong nangyari kay Ben?" kinakabahang tanong nang dalaga

"N-Nasa ospital siya ngayon, anak. Hindi namin alam kung bakit, tinawagan nalang kami bigla nang mga magulang niya at kanina ka pa daw hinahanap ni Ben." ang ina nito at hinawakan ang mga kamay niya

"A-Ano?" hindi siya makagalaw dahil sa mga narinig niya

Masyadong mabilis para sa kanya ang mga pangyayari. Kahapon lang ay inalok siya nang binata na magpakasal tapos ngayon ay nasa ospital na ito. Parang tumigil ang tibok nang puso siya dahil sa mga nalaman.

Natauhan nalang siya nang makita niya ang sariling mga paa na naglalakad papunta sa kuwarto kung nasaan si Ben.

"Kanina ka pa niya hinahanap. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na at ang sabi pa nang mga doktor ay malala na ang kondisyon niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko Tanya, ayaw kong mawala ang anak ko." umiiyak na sabi nang ina ni Ben

Hindi na makapagsalita pa si Tanya at nakatitig lang ito sa pinto nang kuwarto ni Ben. Hindi niya na din maintindihan ang nararamdaman niya. Natatakot siya sa puwedeng mangyari kay Ben at natatakot siyang baka maiwan siya nito.

Nang makapasok siya sa kuwarto ay agad niyang nakita ang nanghihinang si Ben. Namumutla ito at maraming tubo ang nakakabit sa kanya. Parang sinaksak nang paulit ulit ang kanyang puso habang nakatingin sa mga mata ni Ben na nakapikit lang.

"B-Ben, bakit hindi mo sinabi sa'kin?" umiiyak na tanong nang dalaga habang nakatingin sa kasintahan

Alam niyang mag sakit ito ngunit hindi niya akalain na ganito na pala kalala ang lahat. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, hindi niya kakayanin kung mawawala si Ben sa kanya. Ito nalang ang tanging tao na hindi man lang humusga sa kanya kahit gaano pa kalaki ang mga kasalanan niya.

"Ben naman, sabi mo handa kang gumising sa umaga para pagsilbihan ako? Sabi mo handa kang matulog sa gabi na kasama ako? Sabi mo gusto mo akong makasama kasi kahit doon lang masaya ka na. Bakit ka nandiyan? Bakit ka nakapikit? Bakit ka nanghihina? Lalaban ka diba? Lalaban ka para sa'kin? 'Di ba magpapakasal pa tayo? 'Di ba tutuparin mo pa ang lahat nang pangakong binitawan mo? Ben lumaban ka!" umiiyak na sigaw ni Tanya habang hawak ang kamay nang binata

Hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa sobrang bigat nang pakiramdam niya. Hindi niya kayang nakikitang ganito ang kondisyon nang binata. Hindi niya kayang nakikitang nanghihina ito dahil nasanay siya na masigla ito kapag kaharap siya.

Nagulat nalang siya nang maramdaman niya ang mahigpit na hawak nang binata sa kamay niya kaya naman agad siyang napatingin dito.

"B-Ben." akala niya ay didilat ito ngunit natigilan siya nang makitang tumigil ang pag hinga nito at nakarinig nang ingay galing sa loob nang kuwarto 

Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa kamay niya, unti unti itong lumuwag at ang sunod nalang na nangyari ay nakita niya nang pinipilit nang mga doktor na makahinga si Ben. Rinig niya ang malakas na iyak nang ina ni Ben habang siya ay tulala at umiiyak din.

"B-Ben, bakit?" mahinang sabi niya at mas umiyak pa

Sa araw na iyon ay namatay si Ben, at hindi niya inakalang iiwan siya nito pagkatapos siyang inalok na magpakasal. Iniwan siya ni Ben kasama ang mga pangakong hindi man lang napanindigan.

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon