"Ilang araw nalang ikakasal na tayo. Sa tingin mo ba wala nang pipigil sa'tin?" tanong ni Stella kay Victor
"Bakit mo naman natanong 'yan? Natatakot ka ba?" nakangiting tanong ng binata
"Hindi naman sa natatakot ako, hindi ko lang talaga maiwasang isipin na baka sa araw ng kasal natin may biglang pumigil." malungkot na sabi ng dalaga
Hinawakan ni Victor ang mga kamay ni Stella at hinalikan ito.
"Kahit buong mundo pa ang pumagitna sa ating dalawa, hindi ko hahayaang ilayo ka nila sa'kin. Mahal kita, kaya gagawin ko ang lahat para manatili ka sa tabi ko." aniya at niyakap ang dalaga
Napangiti naman si Stella habang ramdam ang mahigpit na yakap ni Victor sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahan may biglang nakita ang dalaga sa hindi kalayuan.
Agad na nakaramdam ng takot ang dalaga habang nakatingin sa isang pamiliar na lalaki.
"Pangako ko sa'yo, susuportahan kita kung saan ka magiging masaya." si Victor na walang kaalam alam sa kung ano ang nasa isipan ng dalaga
Nang makauwi si Stella sa kanila ay halos buong gabi nalang itong tulala. Hindi niya maintindihan ang lahat. Marami siyang katanungan na hindi niya mahanapan ng kasagutan.
'Bakit siya bumalik?'
'Bakit ganito ang nararamdaman ko?'
'Bumalik ba siya para sa pangakong binitawan niya?'
Natigil sa pag iisip ang dalaga ng bigla niyang naalala ang isang bagay na matagal na niyang tinatago.
Agad siyang tumayo at may kinuhang kahon sa ilalim ng kanyang kama. Nasa loob ng kahon ang lahat ng alala ng nakaraan niya. Ang nakaraan na gusto niya nang kalimutan ngunit pilit siyang binabagabag nito.
Agad niya itong binuksan ang kitang kita kung gaano karami ang mga litrato niya kasama ang unang lalaking nangako at minahal niya. Bawat sulat nila sa isa't isa ay nasa kahon, pati ang mga regalong natanggap niya dito.
Ramdam ni Stella ang sakit na idinulot sa kanya ng nakaraan. Ang bawat pangakong hindi rin naman pinanindigan. Agad na sumagi sa kanyang isipan ang mga pangyayari sa nakaraan na hindi niya magawang kalimutan.
"Stella, babalik din naman ako. Pangako ko 'yan sa'yo." si Mike habang hawak ang isang kamay ni Stella
"Mike naman, kailangan mo ba talagang umalis? Pwede ka naman dito, 'wag mo naman akong iwan." umiiyak nitong sabi
Simula pagkabata ay halos hindi na sila mapaghiwalay ng tadhana. May mga pangako silang binitawan sa isa't isa at pilit na pinaninindigan hanggang sa tamang oras na pwede na silang mag sama. Hindi nila hinahayaan na may makasira sa kanila at pareho silang handang sumugal para sa pagmamahalan nila.
Ngunit sa puntong ito, kailangan munang lumisan ng isa para sa ikabubuti nilang dalawa.
"Hindi ko din naman gusto ang umalis at iwan ka dito. Pero may magagawa ba ako, Stella? Kapag hindi ako umalis pareho tayong mahihirapan. Gagawin ko 'to para sa oras na handa na tayo pareho ako mismo ang luluhod sa harap mo at isusuot ang sing sing na para sa'yo. Mahal kita, at ibibigay ko lahat para lang makasama ka." si Mike at niyakap si Stella
"Paano kung makahanap ka ng iba? Paano kung mapalitan ako ng mas maganda at mas bagay sayo?" takot na sabi ng dalaga
"Walang kasiguraduhan ang lahat pero seryoso ako pag dating sa'yo. Alam ko kung paano makuntento at paano magseryoso sa iisang tao. Ikaw lang ang mahal ko at paninindigan ko angf salitang binibitawan ko. Hintayin mo lang ako, Stella. Papakasalan kita pag balik ko, may iba ka man o wala, gagawin ko ang lahat para maging akin ka ulit." aniya