Oras

18 2 0
                                    


"Love, sorry talaga kung hindi ako nakatawag kanina, madami kasing kailangang ipasa sa school e. Sorry talaga." Si Anne habang kausap sa kabilang linya ang kasintahang si Jay.

"Ayos lang, natapos mo na ba lahat?" Mahinahong tanong ni Jay.

"Oo, naayos ko na. Hindi ka ba galit?"

"Bakit naman ako magagalit? Ayos lang naman sa'kin e."

"Thank you, Love. Oh sige, ibababa ko na 'to. Sasakay na ako ng jeep. I love you."

"Love you. Ingat."

Pitong taon na silang magkasintahan. Ang dami nilang pangarap pareho na gusto nilang gawin ng magkasama. Pero simula noong nag 4th year college na sila ay madalang nalang makapag usap lalo na at parehong abala.

"Anne? Anong ginagawa mo? Bakit parang hindi ka mapakali?" Tanong ng kaibigan nito.

"Hindi kasi sinasagot ni Jay yung mga tawag ko. Nag aalala na ako. Noong nakaraang araw pa kami hindi nakakapag usap."

"Baka busy? Mamaya mo nalang tawagan."

Agad naman napaisip si Anne dahil nga baka madami din ang ginagawa nito at hindi na napansin ang pag tawag niya.

Ilang linggo ang lumipas, naging maayos ulit sila. Nag uusap tulad ng dati. Pero may kakaiba. Nagiging tahimik nalang bigla si Jay at natutulala. Kaya naman agad na nag plano ni Anne ng surpresa para dito.

"Anne, sobra naman yung paghahanda mo. May balloon, cake, tapos regalo pa. Hindi niyo naman monthsary ah?" Tanong ng kaibigan nitong tinutulungan siya.

"E gusto ko nga kasing bumawi, okay? Dali na, habang wala pa siyang lakad sa ngayon." Si Anne at naglakad na papunta sa bahay nina Jay.

Ngunit ilang hakbang nalang ay agad na itong natigilan sa paglalakad ng makita kung paano halikan ni Jay ang noo ng ibang babae. Agad niyang nabitawan ang dalang cake at regalo dahil sa gulat at dali-dali nag lakad papalapit sa dalawa.

Hinila ni Anne si Jay palayo sa babae habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha nito.

"A-Anong ginagawa niyo? Ano 'to? Jay?" Tinignan ni Anne sa mata si Jay ngunit hindi gaya ng dati, ibang-iba na ang paraan ng pag tingin nito sa kanya.

"Anne, umalis ka na." Malamig na sabi nito at hinawi ang kamay ni Anne na nakahawak sa kanya.

"Jay, ipaliwanag mo naman sa'kin 'to. Sino siya? Kaano-ano mo siya?" Humihikbing tanong ni Anne kay Jay.

"Girlfriend ko siya. Kaya umalis ka na. Huwag ka ng manggugulo."

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Anne ng marinig niya ang mga katagang 'yon mula sa lalaking mahal niya.

"A-Ano? Girlfriend? Paano naman ako? Jay, ako yung girlfriend mo, 'di ba? Ako yun."

"Noon, ikaw. Pero hindi na ngayon. Simula ng mawalan ka ng oras sa'kin, nawala na din yung nararamdaman ko para sa'yo. Hindi na kita mahal, kaya umalis ka na."

Parang napako nalang si Anne sa kinatatayuan niya habang nakatingin kay Jay at sa bago niya. Dahil sa pagkukulang niya sa oras, napalitan siya ng wala sa oras.

~wakas~

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon