"Mia, excited na ako." Sambit ni Kaye habang hawak ang kamay ng kaibigan nito."Aba syempre, mae-excite ka naman talaga kasi nga pipili ka na ng gown mo sa debut mo. Sigurado talaga akong sobrang ganda mo sa gabing 'yon." Sambit naman ni Kaye.
Magkaibigan na ang dalawa simula sa pagkabata. Pareho nilang gustong makasama ang isa't-isa. Sa masasaya o malulungkot na araw man. Nagkakasundo sa maraming bagay. Totoong pagkakaibigan ang mayroon sila.
Habang naghihintay silang dalawa sa magsusukat kay Kaye at biglang tumunog ang selpon nito dahilan para pareho silang mapatingin doon. Bago pa makita ni Mia kung sino ang tumatawag kay Kaye ay dinampot na agad ito ng kaibigan at dali-daling tumayo.
"A-Ah, s-sasagutin ko lang ah?" Paalam nito at agad na lumayo doon.
Napatingin naman si Mia sa selpon niya sapagkat kanina niya pa hinihintay ang tawag sa kanya ng kanyang kasintahang si Liam. Sinubukan niya itong tawagan pero mukhang busy kaya tinigil niya nalang hanggang sa makabalik si Kaye.
"Sino yung tumawag?" Tanong ni Mia.
"A-Ah, wala! Kaklase ko lang. Nagtatanong tungkol sa gagawin naming reporting." Sambit nito at agad ng umiwas ng tingin.
Tumango na lamang si Mia at muling nagbakasaling makatanggap ng kahit isang mensahe kay Liam pero wala.
Ilang araw bago ang debut ni Kaye ay saka lang nakausap ng matino ni Mia si Liam.
"Masyado ka bang busy noong mga nakaraang araw? Kahit kasi text wala ka e." May halong pagtatampo sa boses bi Mia habang nakatingin kay Liam.
"Pasensya na, madami lang talaga akong inaasikaso." Sagot nito habang nakatuon ang atensyon sa selpon.
Pasimpleng sinilip iyon ni Mia pero agad ding inilayo ni Liam.
"A-Ah, hindi nga pala kita masusundo sa debut ni Kaye. Baka ma-late kasi ako ng punta. Sumabay ka nalang sa mga kaibigan mo."
"Ganoon ba? O sige, punta ka ha?"
Tumango lamang ang binata at hindi na kumibo pa. Hindi alam ni Mia kung anong gagawin. Kung bakit parang may kakaiba. Kung bakit may hindi na tama. Ang panlalamig ni Liam sa kanya. Yung oras na dati nagagawan naman ng paraan pero ngayon hindi na. Yung atensyon na alam niyang wala na sa kanya. Oo, may kutob na nga si Mia na may iba na, pero gusto niya pa din umasa na wala. Na sana mali yung hinala niya. Na sana hindi 'yon gawin ni Liam sa kanya lalo na at tatlong taon na silang magkasama.
Sa araw ng debut ni Kaye ay mag-isang pumunta si Mia dala ang kahon na siyang regalo niya sa kaibigan. Mabigat ang pakiramdam niya pero pinili niyang ngumiti. Kasi ayaw niyang sirain ang pinaka-masayang araw para sa pinaka-matalik niyang kaibigan.
Napuno ng pagbati ang lugar, napapalibutan ng mga bisitang nag gagandahan ang damit. Ng makapasok si Mia doon ay diretso ang tingin nito sa kaibigan niyang si Kaye na nasa gitna.
Hindi niya muna ito pinuntahan at hinanap ang kasintahang si Liam. Ng makita niya ito at agad niya itong hinila papalapit sa kanya.
"Mabuti naman at nandito ka na." Nakangiting sambit ni Mia at pilit na tinatago ang lungkot.
"Bakit mo ko hinila?"
"Hawakan mo 'yan," sabay abot ni Mia sa kahon kay Liam. "Samahan mo kong ibigay 'yan mamaya kay Kaye." Aniya at hinawakan sa braso si Liam.
Masaya ang lahay maliban kay Mia. Pinili niyang manahimik sa gilid at nagsasalita lamang kapag kailangan. Ng oras na para ibigay ang regalo niya at agad niyang hinila si Liam papunta kay Kaye.
"Happy birthday, Kaye!" Nakangiting bati ni Mia sa kaibigan, ganoon din ang ginawa ni Liam.
"Ah, thank you."
"Regalo ko nga pala." Agad na nawala ang ngiti ni Mia ng inabot na ni Liam ang kahon kay Kaye.
"Ano 'to?" Tanong ni Kaye sabay bukas sa kahon.
"Mga ebidensya kung paano niyo ko niloko. Mga litrato na kitang-kita kung paano kayo maghawakan ng kamay, maghalikan, magsama na parang anino nalang ako. Hindi ko intensyon na sirain ang gabi mo, Kaye. Pero siguro ito na yung huling pagkakataon na ituturing kitang kapatid. Niloko, ginago, pinaikot-ikot niyo ko. Kaya ngayon, malaya na si Liam. Malaya ng maging kayo, kasi wala ng ako." Umiiyak na sambit ni Mia habang nakatingin sa dalawa.
Nakayuko lamang si Liam habang si Kaye naman ay gulat.
"Mia," tawag ni Kaye sa kanya pero ngumiti na lamang ito habang umiiyak.
"Akalain niyo 'yon? Halos patayin niyo ako dahil sa mga ginagawa niyo. Pero ano bang magagawa ko? Durog na ako. Habang masaya naman kayo. Kung ako nalang pala yung nagiging hadlang, sige, malaya na kayo. Happy birthday, Kaye. And happy breakup, Liam. Goodbye."
Agad na tumalikod at naglakad paalis si Mia doon upang hindi na mapansin ng mga bisita. Para bang pinaglamayan ang puso niya sa mga oras na 'yon. Kung gaano niya kamahal ang parehong taon 'yon, doble ang sakit na binigay sa kanya.
Hindi pala talaga porke mahal ka, sasamahan ka hanggang pag tanda.
~end~