Chapter 19

787 18 0
                                    

Sully's POV

"Seryoso ba talaga si Akira sa desisyon niyang yun?" nagaalalang tanong ni Candy. I shrugged.

"Kilala mo naman si Akira. Siguradong sigurado na yun." sabe ko. Napayuko naman siya.

Kinausap na kasi kami ni Akira. Aalis daw siya. Kung gusto daw namin sumama, e pwede naman daw. Syempre, pumayag kami na sumama sa kanya. Siguro di na niya talaga kinaya. Naiintindihan ko siya. Ganyan din ako kay Rain.

Hanggang ngayon kinukulit parin ako ng mokong na yun!

I heard Candy sighed. "Sana lang talaga may mangyaring maganda sa pag-alis naten." I nodded. Pare-parehas lang kami ng sitwasyon. Pero it depends kung pano namin ito iha-handle. Saming tatlo... si Akira ang pinaka fragile. Kahit ba kasing tapang yan ni Hitler o kahit sino pa yan e malambot parin ang puso niya. She doesn't know how to hide her feelings. Ngayon niya lang nagagawa yun. Improving e.

"Yow! Hey, cous. Hello, Candy." napatingin naman kami sa kakapasok lang na si Sam. Ano nanamang ginagawa niyan dito?

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" walang gana kong tanong.

"As usual, si Akira nanaman ang pinunta niyan dito." sabe ni Candy. Napakamot naman ng ulo si Sam.

"Kayo talaga. Gusto ko lang naman kayo icheck e." sabe ni Sam.

"Kami o si AKIRA! Hay nako, Sam. Kung ako sayo tantanan mo muna si Akira. Magulo pa utak nun." Candy. Kumunot naman noo ni Sam.

"Ha? What do you mean?" tanong ni Sam.

"Sige na, puntahan mo na siya dun sa kwarto niya. Alam ko namang sasabihin niya din sayo yun e." sabe ko. Takang takang tumango nalang siya at umakyat sa taas.

"Hay! kawawang, Sam. Kung ako sa kanya di na talaga ako aasa." sabe ni Candy habang umiiling. Wala namang magagawa e. Ayaw papigil nung lalake na yun. Masyadong tinamaan kay Akira.

Sam's POV

*knock* *knock*

"Akira?" tawag ko.

"Pasok." rinig kong sabe niya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa veranda. Nagsimula akong maglakad palapit sa kanya.

Hinawakan ko ang balikat niya at dahan dahan siyang hinarap saakin. "Akira----"

My eyes widened. "Akira? B-Bakit ka umiiyak?" tanong ko sabay luhod sa harap niya. "S-Sam... *sobs*" niyakap niya ako. I hugged her back.

"Akira... why are you crying?" hinimas himas ko ang buhok niya.

"H-Hayaan mo.... Hayaan mo nalang ako. *sobs* P-Promise s-sa susunod *sobs* o-okay na ako. H-Hindi na ako i-iiyak. *sobs*" hirap niyang sabe habang umiiyak.

"Sige. Basta nandito lang ako para sayo, Akira. " I kissed her head and continued to caressed her hair.


"Ano? Okay ka na ba?" sabe ko sabay kuha ng tubig kay Akira.

Tumango naman siya. "Yeah. Okay na ako. Don't worry." sabe niya sabay pilit na ngumiti.

Nilapag ko yung baso sa table. "Alam mo, wag mong piliting ngumiti. Kasi hindi bagay sayo." seryoso kong sabe. Tinitigan naman niya ako.

"B-Bakit?" nauutal kong tanong. Bigla naman siyang ngumiti at bumungisngis.

"Bakit? B-bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya.

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon