Chapter 5

1.5K 24 0
                                    

Rain's POV

Ang boring naman. *yawns* Ang boring magturo ng prof na to. Pero seksi siya at maganda. Halos lahat ng lalake dito sa katawan lang niya nakatingin at di nakikinig sa tinuturo niya.

*creeeekkkk*

Napatigil sa pagtuturo yung prof at napatingin sa pinto. Napatingin din kami. Sila Akira at Sully?

"Ms. Kim? You're late." sabe nung prof. Napayuko naman si Sully. "Sorry, ma'am." sabe ni Sully.

"Um.... Ma'am, nagkaroon lang po ng emergency kaya na-late si Sully." sabe ni Akira.

Napabuntong hininga naman yung prof. "Okay. I'll accept your excuse. Just because it's the first time you got late in my class. You may now take your seats, Ms. Gomez and Ms. Kim." tumango naman yung dalawa at umupo na sa upuan nila.

Nakatingin lang ako sa kanya ng magtama ang mga mata naman. Agad naman siya umiwas. Ouch.

Galit parin talaga siya sakin. I can still remember nung time na umamin ako sa kanya and she actually dumped me.

FLASHBACK

"Hoy, Rain. Bakit ba kasi ayaw mo pa kausapin? Almost 1 month mo na siya tinitignan from a far." sabe ni Lucas.

"Bakit? sa tingin mo ba papansinin ako niyan? E di ba nga galit satin yan."

"Hay nako! Pati tuloy kami ni Candy nadadamay jan sa inyo e." sabe niya sabay kamot ng ulo.

Oo, seryoso siya kay Candy. Natamaan ang gago e. Pati naman ako, seryoso ako kay Sully. Kilalang kilala ko siya.

Anak siya ng business partner ng parents ko. Pati na rin si Candy, anak ng business partner ng parents ni Lucas. Kilalang kilala namin sila. Since nung bata pa kami. Kahit di nila kami ganung napapansin noon, lagi parin kami nakatanaw sa kanila.

Actually, crush namin sila noon pa. At alam kong di nerd si Sully. She uses those fake glasses to hide her beauty. Kasi nga naman kapag wala siyang salamin mukha siyang goddess. Kaya buti na rin na may salamin siya para walang manligaw sa kanya.

Masakit man nung sinabihan niya ako manwhore kasi di naman ako ganun. Oo, playboy ako. Yeah, we treat girls as flings. Pero dahil lang sa gusto namin sila makalimutan.

Ang hirap naman kasi magmahal ng bata pa. Nakakatakot. Nakakatakot na magkamali at masaktan ko siya. Di namin sila nakita for 6 years. So akala din namin di na namin sila makikita ulet. Kahit ba business partners ng parents namin ang parents nila, di parin ganun kadaling makita sila.

Naging playboys kami paglaki namin. Wala kaming sineryoso. At nung nag 3rd yr highschool na kami, dun lang namin sila ulit nakita.

Actually, matagal na pala namin silang nakikita nung Highschool. Sadyang di lang namin sila nakilala. Kasi bata pa sila nung huli namin silang nakita.

"Bro! Ayusin mo na kasi to! Di ko malapitan si Candy e!" inis niyang sabe.

"Tumahimik ka nga jan! Naghahanap lang ako ng chance na makausap siya, okay?"

"Chance na makausap siya?! Hello! for 1 month madami ng chance na dumating! Ikaw lang tong duwag lapitan siya." I sharply looked at him.

"Bahala na nga kayo! Basta kami ni Candy magkasama. Wag niyo kami idamay!" sabe niya sabay lakad papunta dun kanila Sully.

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon