Chapter 48

715 12 0
                                    

Akira's POV

"Teka! Wag mo kainin yan!" napatingin naman kami kanila Rain at Sully. Yung dalawa nag-aagawan sa pagkain. Tong dalawang to talaga parang di mag-asawa. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"AM, kailan tayo pupunta sa wedding organizer?" tanong ni KJ. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excited much? Kaaalis lang nila Candy at Lucas papuntang Paris e." sabe ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"E kelan niyo ba balak ayusin yung kasal niyo?" tanong ni Rain. Buti naman at tumigil na silang dalawa.

"Ayoko ng masyadong bongga na kasal. Pero knowing our parents siguradong i-invite nila lahat ng business partners nila." I sighed. Tumango naman sila.

"Hindi ba sa Japan niyo gagawin yung wedding pictorial niyo?" tanong ni Sully.

"Yeah." sagot ko.

"Kelan naman kayo pupuntang Japan?" tanong ni Rain.

"January, after new year. Gusto kasi ni Akira na ang theme ng wedding photos ay snow." sabe ni Jiro.

"Sama kami!" sabe ni Rain. Napatingin si KJ sakin na parang sinasabing wag ako pumayag.

Tinaasan ko siya ng kilay. Alam na niya yun. Aba! Gusto ako masolo? Di naman papayag tong apat na to na di sumama. Snow kaya yun. Wala naman dito nun sa Pinas e. KJ sighed. "Fine." sabe niya. Grabe naman to. Para ayaw na ayaw niya talaga isama tong mga to.

"Yon! Pero parang ayaw ata ni Jiro ah. Siguro gusto mo masolo si Akira noh?" natawa naman kami sa reaksyon ni Jiro. Namula siya.

"Ay? ikaw ha, KJ. Kaya pala ayaw mo sila isama ha. Nako!" pangaasar ko. Namula naman lalo. He hid his face on my neck. Patuloy parin sa pagtawa tong si Rain. Pati si Sully natatawa na din.

Napailing nalang ako. Mga baliw talaga.


Gomez's Residence

"Okay na ang tickets niyo papuntang Japan. January 10 ang alis niyo." sabe ni Mama.

"Hindi niyo ba muna aayusin yung ibang kailangan sa kasal bago kayo umalis? Para pagbalik niyo konti nalang ang aasikasuhin niyo." sabe ng mama ni KJ.

Nagkatinginan kami ni KJ. "We actually talked about it, Ma. And yes, aayusin muna namin yung ibang kailangan bago umalis." sagot ni KJ. Tumango naman ang parents namin. They invited us for dinner para lang pagusapan ang kasal. Parang mas excited pa sila samin e.

"Yung mga i-invite niyo po, ibigay niyo nalang po yung listahan samin. So, we could count kung ilan ang mga pupunta." sabe ko. I know naman marami silang i-invite e.

Parang nung kasal nila Candy at Sully. Halos lahat ng bisita ay business partners.

"Well, we've decided na kamag-anak nalang ang i-invite. I know naman na ayaw niyo na puro business partners ang bisita niyo sa kasal. Kaya napagusapan na namin yan." napangiti naman ako sa sinabe ni Mama. "H-Honto?(really?)"

"Yes, princess." sabe ni Papa. Nagkatinginan kami ni KJ na may ngiti sa mukha.

"Thank you po!" sabay namin sabe sabay bow sa kanila.

"Ganun ba kayo katuwa at nag-bow pa kayo?" natatawang sabe ng papa ni KJ. Napakamot nalang kami ng ulo.

I'm thankful na naisip nila na ganun nalang ang gawin.

"So, saan niyo ba balak maghoneymoon?" tanong ni Papa.

"Sa Maldives po." sagot ni KJ.  Napatango naman ang parents namin.

"E ilang anak ba gusto niyo?" namula naman ako sa tanong ng papa ni KJ.

"Pa!" Napatingin ako kay Jiro na namumula na ngayon.

"Si Honey talaga. Tignan mo namumula na silang dalawa." sabe ng mama ni KJ. Tumawa lang ang parents ko.

"Pero seryoso nga, ilang ba gusto niyo?" ngayon naman mama niya.

"Ma!" KJ groaned. Nahihiya na ang future husband ko.

"Bakit ako tinatanong niyo? Dapat si AM." Nanlaki naman mata ko sa sinabe niya. "OY! Bat ako?" gulat kong tanong. Nakatingin naman sakin yung parents namin. Para bang hinihintay na sumagot ako.

"H-Hindi ko po alam." nahihiya kong sagot.

"Hindi niyo pa ba napaguusapan kung ilan ang gusto niyo?" sabe ng mama ni KJ.

"Dapat marami. Para maraming makukulit." sabe ng mama ko. I blushed.

"Gagawin niyo naman akong baboy niyan e." sabe ko. Nakangiti lang silang nakatingin sakin.

Naramdaman ko nalang may humalik sa ulo ko. Pagtingin ko si KJ. "Kung ilan lang ang kaya mo, AM. Ayokong mahirapan ang asawa ko." sabe niya. I blushed.



2 WEEKS LATER

"I'll repeat po everything." sabe nung organizer.

"Flower is red rose, the food is Japanese food, the venue of the reception is glass garden, the theme is red and white and we'll be expecting 59 guests." we nodded ng matapos siya.

"Okay po. We'll just call you for updates." tumango kami at tumayo na. Nagthank you kami at umalis na. Sunod naman ay singsing.

He drove us to the jewerly shop. Maraming klase ng singsing. But I like simple ones. Kaya... "I like this one." sabe ko sabay turo sa singsing. He nodded. "I like it too. Sige, miss we'll take this." sabe niya. Pero syempre sinukat muna namin bago bilin.

May ring bearer kami at flower girls naman na kami. Damit nalang at wedding photos. Yung invitations, ipapadala nalang namin. Pagkatapos naman sa singsing e umuwi na muna kami. Halos 1 week din namin inayos yung iba. With the help of our parents and friends napabilis ang pagasikaso namin sa kasal namin.

"Hooo! Kapagod." Sabe ni KJ sabay upo sa sofa. Nandito kami sa bahay ng parents ko. Umupo ako sa tabi ni KJ at minasahe yung braso. He smiled at pumikit nalang.

Alam ko namang pagod na pagod si KJ sa studies at isama mo pa tong pagprepare ng kasal. Ganun naman din ako pero syempre mas maraming ginagawa si KJ. Pati na rin sa company nila, malapit na siyang i-train dun.

"KJ, kami nalang nila Candy at Sully pupunta dun sa pagawaan ng wedding dress. Pumasok ka na muna sa school." sabe ko. Napamulat siya sa sinabe ko.

"Ha? Sasamahan na kita." sabe niya. I shook my head.

"Wag na. Kaya na namin yun. Alam ko namang marami ka pang dapat asikasuhin." sagot ko. He sighed. "Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka ha?" I nodded. Mahirap na siguro kapag graduating. Nakikita kong masyadong stress si KJ.

Kinuha ni KJ yung kamay ko at hinalikan ito. "Malapit na tayong ikasal, AM." malambing niyang sabe. I looked at him. "Masaya ako na hanggang sa huli e tayo parin ang magkakatuluyan." nakangiti niyang sabe.

"Ako din. Mahal na mahal kita, KJ." He kissed my forehead. "Mahal." and then he kissed my nose. "Na mahal." and he kissed my right cheek. "Din, kita" he kissed my left cheek." AM." and on my lips. We shared a kiss with full of love.

We pulled away and he pressed his forehead on mine. "Saranghae, AM." sabe niya.

"Aishiteru, KJ."

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon