Chapter 18

841 20 0
                                    

Akira's POV

Bakit ganito? Feeling ko malapit ng sumabog tong dibdib ko.

Feeling ko malapit na kong mabaliw.

Feeling ko di ko na kakayanin to.

Hindi ako tulog nung kinantahan ako ni Jiro. Actually, patulog palang. Kaso nagising ako sa ginawa niya.

FLASHBACK

*yawn*

"Nako! Inaantok ka nanaman, Akira. Hindi ka ba natulog ng maaga kagabi?" tanong ni Candy. Tumango ako habang kinukusot ang mata ko.

"Hay nako. Sure ako magca-cutting ka. Sige na, sasabihin ko nalang sa prof mo na may emergency kaya di ka makakapasok sa klase niya." nginitian ko si Candy at niyakap. "Thanks, Candy."

"Geh geh. Maghanap ka na ng pwesto mo. Papasok na ako sa klase ko." tumango nalang ako.

Naglakad na ako para makahanap ng pwesto. *yawns* Inaantok na talaga ako.

Pumunta ako sa Garden. May isang puno dun na medyo hindi matao. Kaya dun nalang ako. Pumwesto ako sa kabilang side ng puno kung saan di nakaharap sa building. *yawns* Humiga na ako at ginamit na unan yung bag ko. Pinikit ko na ang mga mata ko. Here I come dream land. Naramdaman kong biglang lumilim sa pwesto ko. Tapos biglang nawala. Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng makarinig ako ng taong kumakanta at naggi-gitara.

I recognize his voice. Si Jiro tong kumakanta at alam ko kung ano ang kinakanta niya. Broken Sonnet by Hale. Sa kantang yan.... parang gusto ko maiyak. Naalala ko kasi yung mga panahon na kinakantahan niya ako at yung lyrics ng kanta para bang sinasabe nito ang nararamdaman niya ngayon.

Umayos ako ng upo at sumandal sa puno. Ang hirap pala ng ganito. Na pilit mong pinipigilan ang nararamdaman mo. Na kahit anong gawin mong pigil e di mo kayang pigilan. Mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya. Pero di ko kaya....

Di ko rin kaya na patuloy siyang mahalin. Dahil nasasaktan na ako. Sobrang sakit. Pinunasan ko yung isang luhang tumulo sa mata ko.

After niya kumanta.... nagsalita ako.

"What are you doing here?" sabi ko habang nakasandal parin sa puno.

"Gising ka na pala." rinig kong sabe niya. I breathe heavily.

"Kanina pa. Bakit ka nandito?" malamig kong tanong sa kanya.

I heard him sighed. "I just want to talk to you." mahina niyang sagot.

"Bakit? Magso-sorry ka nanaman? Pipilitin mo nanaman ba akong patawarin ka?" inis kong sabe sa kanya. Nagsasawa na din akong marinig ang sorry niya. Sobrang sawang sawa na.

"Hindi. Gusto ko lang magsor----" I cutted him off.

"Edi magso-sorry ka nanaman nga? Sa tingin mo ba kapag ginawa mo ulet yang ginagawa mo sakin dati magbabago ang isip ko? Well think again, Jiro!" galit kong sabe.

"Pwede patapusin mo muna ako? Hindi naman to tungkol sa nangyari noon. Gusto ko magsorry dun sa nangyari sa bahay niyo." nakita kong napayuko siya. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ayoko na marinig ang sorry niya! Bwiset!

Pwede ba kahit isang araw lang di ko marinig yang pesteng sorry niya?!

"Teka! Akira." rinig kong tawag niya. Bigla niyang hinablot ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad.

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon