Chapter 8

1.1K 24 0
                                    

Jiro's POV

"Nababaliw na ata tong si Jiro."

"Kagabi pa yan. Pagkatapos mag-cr nagyaya na umuwi."

"Ano kaya nangyari?"

"Tanungin mo dali. Para na kasi siyang tanga jan na nakangiti habang hawak ang labi niya e. Kala mo nahalikan."

"Jiro." naramdaman kong may tumapik sakin pero di ko pinansin. Di ko maalis sa isip ko yung nangyari.

"Jiro!" may yumugyog naman ngayon sakin.

"Ay putsapete naman oh! JIRO!" dun na ako nagising.

Napatingin ako sa dalawang nakatayo da harap ko. "Bakit?" tanong ko.

"Baliw na? Kala ko na-estatwa ka na e. Tulala ka na nga mukha ka pang baliw na nakahawak sa labi mo habang nakangiti." sabe ni Rain.

"Ano ba meron? Kagabi pa yan ah. Ano ba nangyari sa cr?" tanong ni Lucas.

I smiled remembering that scene. "Nandun din si Akira kagabi sa bar." nakangiti kong sagot. Mukha namang nagulat yung dalawa.

"Talaga?! Bat di mo sinabe! Baka nandun din ang L ko." sabe ni Rain.

"Ano naman nangyari?" tanong ni Lucas.

FLASHBACK

"Sige! Inom pa!" sabe ni Rain sabay inom.

"Ano ba yan, Rain. Umayos ka nga!" sabe ni Lucas. Di nalang siya pinansin ni Rain. Ang gulo nilang dalawa. Dapat pala ako nalang mag-isa ang uminom.

Tumayo ako sa pagkakaupo. "Magc-cr lang ako." sabe ko. Hindi ko na sila inintay magsalita at naglakad na paalis. Nasa tapat na ako ng cr nang may nakita akong pabagsak na babae. Agad ko naman siyang sinalo. Tinignan ko ang mukha niya.

"AM?" bat siya nandito? Naningkit naman ang mga mata niya. Siguro lasing na to. God! I missed her so much.

I pushed her to the wall and kissed her. Mga ilang segundo lang she kissed me back. Fuck! I missed her so so bad. I missed her kisses. We continued to kiss for 20 seconds. I pulled away catching my breath. Even her, naghahabol na siya ng hininga.

Pinagdikit ko ang mga noo namin. "I missed you so much, AM." I can't stop myself from saying what I feel. Kahit ba alam kong hindi niya to matatandaan.

"I love you, AM. Sobrang mahal na mahal kita." pagkasabi ko ng mga salitang yun, bigla nalang tumulo ang mga luha niya.

Please, Akira! Stop crying. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. Dahil ba sakin kaya ka nandito? I kissed her eyes and gave her a peck on the lips. Then suddenly, she called out my name. "KJ." I stiffen. I closed my eyes.

I love you, my Akira Mae Gomez.

At iniwan ko na siya dun. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko. Ayaw kong magalit pa siya lalo sakin. Pumunta ako sa table namin at naglapag ng pera.

"Oh? Ano nangyari?" tanong ni Lucas.

"Let's go home. Buhatin mo na yang si Rain." sabe ko sabay lakad paalis.

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon