Aso't Pusa

6 1 0
                                    

***
Xia's POV

Sa wakas, natapos na rin ang ordeal ko, sobrang asar na talaga ako at gusto ko ng umuwi.

Nang i-announce ni Auntie Shelia na uuwi na kami ay nagmamadaling sumakay na kami ng van.

This time, kaunti na lang kami hindi na sumakay dito sa sasakyan namin ang mga abay kung kaya't ako, si Auntie Sheila, si ate Angela at kuya Ariel ko at si Oliver na lang ang sakay ng sasakyan.

Sa dating upuan pa rin ako naupo pero si Oliver ay sa likuran ko na ito pumuwesto.

Pagpasok ni Auntie Sheila sa van ay nagulat siya nang makita si Oliver.


*Bakit diyan ka naupo Oliver? Ayaw mo na bang katabi si Xia? -sita sa kanya ni Auntie Sheila

Naku, parang sa lahat ng sinabi ni Auntie Sheila ito ang hindi ko like. Pigil ang hiningang hinintay ko ang reaksyon ni Oliver.

*She doesn't like and she hates me. -matabang na sagot ni Oliver

*Ha? Sino ang may sabi sayo? -si Auntie ulit

Hindi sumagot si Oliver sa pakiwari ko, ininguso niya lang ako kay Auntie.

Eh ano ba kung malaman ni Auntie Sheila, kapag inusisa ako nito ay baka ipagtapat ko ang dahilan para naman ma-justify ko ang aking sarili kung bakit.

Para akong nabunutan ng tinik ngayong hindi ko na katabi si Oliver

Nakakaramdam na ako ng pagod at pamimigat ng katawan, sanhi marahil na kulang ako sa tulog at malaking relief ito na wala akong katabing tetano sa buhay.

Isinandal ko ang ulo at sinubukang umidlip. Pero biglang nag-ring ang cellphone ni Oliver. Naka-todo pa naman ang volume nito at napukaw ang aking pagtulog.

Hello! Oh Cristine.
Pause
Yes, sweetheart nandito ako sa manila.
Pause ulit
Yeah, on vacation ako sa Auntie ko,  huwag kang mag-alala. Hindi ako manliligaw rito, iloveyou. Bye

Maya-maya may nag-ring na namang cellphone pero ibang ringtone naman, parang nagmumula rin sa likuran ko.

Hi, sweety pie hello?
Pause
Lea dear, ikaw lang talaga, huwag kang mag-worry good boy ako rito. Ikaw lang nasa puso ko, promise.
Pause ulit
Sige, ingat iloveyou too. Bye

Katatapos lang makipag-usap sa ibang babae, may nag-ring na naman na cellphone at ibang ringtone na naman. Si Oliver uli ang sumagot.

Hello Nicole! How are you love? Boses uli ni Oliver

Nang lingunin ko siya para irapan, napansin ko na tatlo ang cellphone niya at iba-iba ang model.

Grabe! Talagang kakaiba. Imagine, tatlo-tatlo number at kabi-kabila ang girlfriend!

Sige Nicole mylove baka maubusan ka na ng load. Huwag kang mag-worry. Ikaw lang talaga ang mahal ko. Bye iloveyou

Nayabangan ako sa kanya, nainis na naman, imagine, lahat ng kausap ay sinabihan ng iloveyou!

*Girlfriend mong lahat ang mga babaing iyon, Oliver? -usisa ng nagmamanehong si Kuya Ariel

I want a perfect Man (I want a Perfect love relationship)Where stories live. Discover now