***
Xia's POVPagkatapos naming maghalikan ni Oliver ay bumaba na rin kami para kumain at marinig ang pamamanhikan ng Parents niya.
Iba-iba nararamdaman ko, excited, kinakabahan at masaya na ewan , haha parang baliw lang!
Pagkababa namin ay nadatnan na namin sila sa mesa, yeah at kumpleto ang aking mga kapatid.
Siguro nga tama si Oliver, na naikwento na ng parents niya sa aking mga kapatid at kay Auntie Sheila kung bakit sila umuwi dito.
*Grabe ah! Akala ko nagbibiro ka lang, parang ako ang huli na nakaalam sa pakana mo -kunwaring nagtatampong sabi ko sa kanya
*Relax ka lang mahal huwag ka na magtampo, gusto ko kasing masiguro na sa akin ka lang.
*Okay po mahal ko, promise sayong sayo lang ako.
*Oh andito na pala kayo, tara maupo na kayo at kumain -wika ni ate Angela
*Ikaw na ba si Xia? -sabay-sabay nilang tanong, ang Papa't mama niya at ang ate Roxalyn niya.
*ah, opo tito tita at ate -nakangiti na nahihiyang nagmano ako sa parents niya at nagbeso kay ate Roxalyn
*Ang ganda mo hija, at please call me Mama and my husband you call him Papa okay, maupo na kayo at para maumpisahan na namin ang pamamanhikan sa iyo -Nakangiting wika ng kanyang ina
Magkatabi kami ni Oliver, at sakabila naman ay ang aking mga ate, si Ate Angela, Ate Jess at Ate Shantal.
*So, umuwi kami dito dahil gusto na naming makita ang magiging future daughter in law namin -Wika ng Papa niya
Panimula ng kanyang Papa habang kumakain kami. Kinakabahan ako grabe. At naramdaman kong pinisil ni Oliver ang kamay ko, alam kong alam niyang kinakabahan ako.
Tinignan ko sina ate pero nakangiti lang sila sa akin. And thanks Lord! Sapagkat alam kong boto sila kay Oliver at payag sila kahit na wala pa ako sa right age.
*Don't worry Xia, payag na ang mga ate mo at si Auntie Sheila, kanina pa namin nakausap ang mga kapatid mo -Wika naman ni ate Roxalyn
haha so ano pa pag-uusapan namin eh tapos na pala nilang nakusap ang mga kapatid ko, at si Auntie Sheila -Bulong ko sa isip ko habang natatawa ng pasimple
*Ah eh, di ko alam ang sasabihin ko, ahmm ate at Auntie, ano po desisyon niyo?
*Naku bunso, huwag kang mag-alala kung masaya ka kay Oliver at gusto mo ng magpatali sa kanya, walang problema sa amin ng mga ate mo, ikaw pa mahal ka namin, at gusto namin na sumaya ka sa piling niya -wika ni ate Angela at sang ayon naman ang dalawa ko pang ate.
*Xia anak, kung saan ka masaya doon kami, alam kong mahal na mahal ka ni Oliver, kaya payag ako na makasal ka sa pamangkin ko, pero kapag niloko at sinaktan ka niyan babawiin kana min, -wika naman ni Auntie Sheila
Napaka-bait talaga ni Auntie Sheila, at oo kailangan ang permiso niya, dahil siya na ang tumayong magulang namin. Super Lucky talaga ako na sila ang naging pamilya ko.
YOU ARE READING
I want a perfect Man (I want a Perfect love relationship)
Fiksi RemajaPerfect timing siya iibig, perfect man ang kanyang iibigin, at perfect love relationship ang pangarap niyang relasyon. Iyan ang isinumpa ni Xia na mangyayari sa kanyang buhay. Pero puro kabaligtaran ang nangyari sa mga binuo niyang 'perfection' sa k...