I Love You

5 1 0
                                    

***
Xia's POV

A few Months Later.

Nagtuturo na ako sa isang international school at sumusweldo ng malaki. Katulad ng mga kapatid ko, dahil isa akong scholars ay may nakaabang ng trabaho sa akin.

At si Oliver?

Nakauwi na ng Cebu at kasalukuyang naka-enroll, bale magiging Octoberian graduate siya.

Halos araw-araw ay nag-uusap kami sa phone, tinotoo ni Oliver na tatawag siya sa akin araw-araw. Nagpapalitan rin kami ng text messages everyday.

Talagang lumalim na ang friendship namin at masaya ako para kay Oliver.

Bago na rin ang cellphone ko yung may camera. Kaya nakakapagpadala ako ng multi-media messages. Araw-araw nagpapalitan kami ng pictures messages ni Oliver. Nagkakakitaan kami ng mukha sa messenger.

Wala pa ring bago sa kanya, mahaba pa rin ang buhok at may hikaw pa rin sa tenga.

At least, he has change a lot.
Lately, may ibinabalita siya sa akin about a woman na sa palagay raw niya ay ang babaing idinidikta ng kanyang puso.

Tahimik lang ako kapag tungkol na sa ibang babae ang usapan, kung pwede nga lang sabihin ko na change the topic na lang.

Pero baka naman ma-offend siya.
Nalulungkot ako sa balitang iyon, siyempre sa sarili ko ay alam ko ang dahilan kung bakit, sumira ako sa aking prinsipyo.

Na kung iibig ako ay yung perfect person, in a right time.

And this is not the right time yet. Twenty pa lang ako, sabi ko sa sarili ay twenty four ako mag-iisip tungkol sa boyfriend.

Pero ngayon pa lang, nakadambana na sa puso ko ang gusto kong maging boyfriend. Nadesisyunan ko na months ago pa.

Kaya lang, parang hindi yata siya ang magiging boyfriend ko. Kasi, inlove na siya sa iba. Anyway, happy na rin ako for Oliver kahit na ma-inlove na siya sa iba.

Sobrang miss ko na rin si Oliver. Kung minsan ay binabalikan ko na lang ang mga nakaka-embarrass na encounters namin.

Inisip ko noon na bastos si Oliver, pero nagpapakatotoo lang naman yung tao. Masama ba namang matulog na naka-briefs lang kung nasa loob ka lang naman ng kwarto mo?

At kung nasa loob ka ng toilet room ay nakahubad ka sa tawag ng call of nature.

Wala naman siguro although hindi ko naman feel na ganoon ang tama.

Nag-promise si Oliver sa akin na pagkatapos ng graduation niya ay luluwas kaagad siya ng maynila.

Im looking forward to him. Kaya lang, parang ayaw ko na siyang makita. Baka ma-hurt lang ako lalo pa at may itinatangi na pala siyang babae.

Nangilid ang mga luha ko nang maisip iyon. Walang kamalay-malay ang long-haired na lalaking iyon na na-inlove ako sa kanya, secretly.

Wala akong pinagtapatan ng damdamin ko kahit na kanino. Baka kasi pagtawanan ako ng mga ito, very firm ako sa aking mga salita noon na perfect Man in a right time ang aking ipinatupad na prinsipyo sa buhay.

I want a perfect Man (I want a Perfect love relationship)Where stories live. Discover now