I think I'm Inlove

5 1 0
                                    

***
Xia's POV

*Sorry kagabi, baka nagalit ka. -bungad ni Oliver

*Hindi naman, inaantok na talaga ako kaya tumayo na ako, -Pagsisinungaling ko

Talaga namang na-imbiyerna ako, o mas tamang term sa malalim na pananaw. Nanibugho?

*Inisip ko baka nagalit ka doon sa mga tawag ko.

*At bakit naman ako magagalit? Ano ang karapatan ko, ano ka ba?

Kuntodo ngiti na ako ngayon habang nakikipag-usap. Para bang ang kausap ko ay nasa harapan ko lang.

*Buti naman, ayoko kasing magalit ka sa akin.

*Talaga, ang bait mo na sa akin ngayon ah, teka bakit ka ba napatawag?

*Pwede ka bang sunduin?

*Ha? Napatayo pa ako ng hindi oras sa kinauupuan ko. Bakit mo ako susunduin?

*Gusto ko lang, parang may nag-uutos sa akin na sunduin kita eh.

*Sino kaya ang nag-uutos na yan sa iyo? Anghel dela gwardiya o demonyo?

*Xia ah, siyempre anghel siguro.

*Joke lang, baka mapikon ka.

*Hindi, hindi mangyayaring mapipikon pa ako sa iyo.

Biglang nag ring ang bell

*Ay! Time na namin, sige na Oliver.

*Teka saan kita hihintayin?

*Sa gate na lang.

*Anong oras?

*3 PM

Nagdiriwang ang puso ko matapos makipag-usap kay Oliver. Talagang happy ako as in, walang kiyeme.

Malaking kabaligtaran ng galit na nararamdaman ko sa kanya noong una.

Pero teka, basta hanggang friends lang kami, bargain ko sa isip ko. Huwag kang mag-alala me, Hindi ako iibig sa kanya, basta hanggang friends lang, promise!

Parang gusto kong hilahin ang oras, alas dos y media pa lang at last subject na namin.

Hindi ako mapakali sa upuan, iniisip ko kung nasa labas na ba si Oliver. Tapos parang biglang dumilim ang langit, parang uulan.

Sana wala pa siya, kasi baka mainip at saka mabasa kung sakaling uulan.

At last, nag-ring ang bell.
Hudyat na tapos na ang klase.
Nagmamadali akong lumabas, at biglang kumulog at kumidlat.

Parang pabagsak na ang ulan kung kaya't nagmamadali akong tumakbo patungong gate.

Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Hindi ako dapat sumugod ng ganito kung hindi lang ako nag-aalala sa kanya. Ang daming tao sa gate pero natanawan ko kaagad si Oliver.

I want a perfect Man (I want a Perfect love relationship)Where stories live. Discover now