22. Lawrence

503 13 1
                                    

SA ISANG mahabang mesa kami kumakain na dito inihanda sa likurang bahagi ng bahay nila Xyan. Sa kanang bahagi namin ay may swimming pool, at ilang metro sa aming kaliwa ang mataas na pader ng bakod at may gate. Hindi ko pa man nakikita kung ano ang itsura sa likod nitong pader ay alam kong maraming mga puno do'n, base na rin sa mga matatayog na sanga na nakikita ko mula sa kinauupuan ko.


Katabi ko si Xyan at sa kanang bahagi niya ay si Harry na dumating kanina kasama ang mga magulang nito, at katapat ko naman si Lawrence at katapat ni Xyan ay si Ate Brianna. Ipinakilala na ako ni Xyan kanina sa mga magulang niya na sina Tita Venice at Tito Michael. Kamukhang-kamukha ni Xyan ang Mama niya maliban sa mga mata nito na nakuha kay Tito Michael. Palihim kong tinititigan kanina ang Papa ni Xyan, dahil ayaw ni Papa sa taong ito. Hindi ko maunawaan kung bakit kinamumuhian ng mga magulang ko si Tito Michael, gayung mukha naman itong mabait at hindi lang iyon, hindi rin ito matapobre ang mga ito.  Mainit nila akong tinanggap kanina, sa katunayan nga ay niyakap pa ako ni Tita Venice nang ipakilala ako ni Xyan sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya dahil napakabango ng Mama niya, bigla akong nag-alala dahil baka amoy pawis ako. Ganito rin ang naalala kong pakiramdam nang makilala si Ate Brianna.


Nakilala ko rin ang mga magulang ni Harry na parehong mga Propesor sa isang university. May ibinulong ni Harry sa akin kanina.

"Kaya hindi ako nag-enroll sa eskwelahan na pinagtatrabahuan nila kasi grabe ang pressure kung nagkagano'n."


Saka ko lang din nalaman na nangungupahan lang din pala ng apartment si Harry, kaso ang apartment niya ay sa likurang bahagi ng university na pinapasukan namin. Habang sini-serve ang mga pagkain ng mga kasambahay nila ay biglang tumayo si Xyan at ibinigay sa ina nito ang paperbag na naglalaman ng alahas na binili niya kanina.


"Happy birthday, Ma," bati ni Xyan sa ina at humalik sa pisngi nito.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Xyan na abot tenga ang ngiti habang nakatitig sa kanyang Mama. Napasulyap ako kay Lawrence nang mahina niyang ibinagsak sa mesa ang kutsara. Napakasama ng paraan ng pagtitig niya sa akin, ipinaparamdam niya talaga sa akin na hindi niya ako gusto na nandito ngayon.


"Wala kang regalo sa Mama ko?" mahinang tanong ni Lawrence.


Hindi kami napapansin ng iba dahil lahat sila nakatuon ang atensyon kay Tita Venice na ang laki ng ngiti habang binubuksan ang regalo na bigay ni Xyan. Muli kong naibalik ang aking atensyon kay Lawrence na may mapanuring tinging ipinupukol sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang taong ito kung bakit parang ang init ng dugo sa akin.


Umiling ako, "Wala," tugon ko.


Napaismid siya at naitaas ang isang kilay, "Tapos nandito ka ngayon? Para saan? Para makikain lang?"


Nanlamig ang mga kamay ko at dahan-dahang napasandal. May nagawa ba ako? Ngayong araw lang kami nagkakilala pero ganito na kagaspang ang turing niya sa akin.


"Tita Venice, wala akong regalo kaya makikikain lang ako!" biglang sigaw ni Harry.


Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Harry kaya napatitig ako sa kanya, ngumiti lang siya sa akin at tumango saka itinuon ang atensyon kay Lawrence.

XyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon