11. Nakaraan

598 14 3
                                    

PATAGILID na nakahiga si Xyan, nakatitig siya sa mahimbing na natutulog na si Steffanie. Bumangon siya at dahan-dahang iniusog ang kutson niya sa dalaga hanggang sa magdikit ang kutsong hinihigaan nila.


Muli siyang nahiga, nakaunan siya sa kanyang braso. Isang metro na lamang ang distansya nilang dalawa. Maingat niyang hinawi ang ilang hibla sa mahaba at kulot na buhok ni Steffanie na tumakip sa mukha nito.


Napangiti siya nang maayos na nalantad ang magandang mukha ng dalaga. Bigla tuloy siyang nagbalik-tanaw sa nakaraan.


"Xyan sino ba kasi ang hinahanap natin?" tanong ng kanyang kaibigang si Harry.


"Hindi ko alam ang pangalan niya," tugon niya.


Hinahanap niya ngayon ang babaeng nakita niyang umiiyak sa tabi ng basurahan kahapon. Nagsisisi siya kung bakit tumunganga lamang siya at hindi niya man lang naalok ang kanyang panyo sa babae.


"Malapit na mag-umpisa ulit ang practice, saka mo na lang siya hanapin," wika ni Harry.


Ito ang huling araw ng practice nila para sa graduation at sa wakas ay papasok na rin sila sa kolehiyo. Wala nang nagawa pa si Xyan kundi ang magtungo na sa function hall kasama ni Harry.


Nang mag first year college  ay nagdesisyon silang sumali sa table tennis club dahil iyon talaga ang madalas nilang libangan ni Harry. Hindi pa nakuntento ang kanyang kaibigan dahil sumali pa ito sa isang banda.


Nagulat siya nang makita ang pamilyar na mukha ng bokalista ng bandang sinalihan ni Harry walang iba kundi si Francis. Dahil na rin sa pagsali ng kaibigan kaya nagkakilala sila ni Francis.


Minsan ay nagpapahintay sa kanya si Harry na madalas niyang ireklamo dito. Ngunit nang muli niyang makita ang babaeng hinahanap niya noong highschool ay may kung anong tuwa na nadarama si Xyan.


Steffanie pala ang pangalan niya.


Nang malaman niyang pareho sila ng kursong Accountancy at kaklase niya pala ito ay hindi na siya natulog pa sa klase pero minsan ay hindi niya mapigilan ang antok. Palihim niya ring tinititigan ang dalaga. Hindi siya nagpapahalata dahil sigurado siyang aasarin siya ni Harry. Hanggang sa mag-second year college sila ay hindi pa rin siya kilala ng dalaga. Napansin niya rin na iisang tao lang ang kinakausap nito sa loob ng room at iyon ay si Denisse. Minsan ay si Denisse ang kasama ni Steffanie sa gym.


Nagliligpit na ng mga kagamitan ang team nila Xyan. Nasa gym sila at katatapos lang ng practice nila at malapit na ring mag alas syete ng gabi. Napasulyap siya kay Steffanie na nakaupo sa di kalayuan. Nakangiti ito habang nakatitig sa binatang si Francis na ngayon ay tapos na rin ang practice nito.


"Xyan, tara na!" pag-aaya ni Harry.


Tumango siya kaya sabay na silang lumabas ng gym at gate. Naghiwalay sila ni Harry dahil magkaiba ang daan nila pauwi. Huminto muna siya sa paglalakad dahil kailangan niyang mag-text sa mga magulang niya upang ipaalam na pauwi na siya iyon kasi ang laging bilin sa kanya sa tuwing gagabihin siya.

XyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon