23. Hihintayin kita

520 12 1
                                    

KANINA pa katok nang katok si Xyan sa pintuan ng kwartong tinulugan ni Steffanie ngunit walang nagbubukas. Kaya dahan-dahan niya itong binuksan upang masilip ang loob, alanganin niya pang ginawa iyon dahil natatakot siya na baka abala ang dalaga sa pagbibihis. Agad na kumunot ang kanyang noo nang makitang wala siyang makitang bakas na naroroon ang dalaga.


"Biik?" mahinang tawag niya.


Tuluyan na siyang nagtaka nang masilip niya rin ang banyo na wala rin doon ang dalaga. Sa hindi malamang dahilan ay napatitig si Xyan sa tanawin na makikita sa labas ng bintana. Tanaw na tanaw niya ang mga puno at ang mga dahon sa mga sanga nito na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba at takot.


"K-kuya..."


Nalingon ni Xyan ang pinto, at nakatayo roon ang kanyang kapatid na si Lawrence. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang titig na titig sa kapatid na punong-puno ng takot ang mukha nito.


Inamin ni Lawrence kay Xyan ang kanyang ginawa kay Steffanie dahil dito ay mabilis na tinungo ng binata ang hagdan at parang hangin sa bilis nitong pagbaba. Nakasalubong niya si Harry ngunit kahit tinawag siya nito ay hindi niya pinansin. Nakapokus lamang si Xyan sa pagtungo sa likurang bahagi ng kanilang bahay. Hindi siya madalas umuwi dito sa bagong bahay nila kaya pati siya ay hindi niya kabisado ang likod pero hindi siya nag-alangang puntahan ito.


Sa pagbukas niya ng gate ay nanlaki ang mga mata niya at natigilan nang makita si Steffanie. Hawak-hawak nito sa kamay ang cellphone nito, at nakatitig ito sa kanya.


"Biik..."


"Iuwi mo na ako," malamig na wika ng dalaga.


Nilampasan pa siya nito kaya napakurap siya at nilingon muli ang dalaga. Saka lamang niya napansin na nakasunod pala sa kanya sina Harry at Lawrence na nakatitig din sa dalaga. Saglit na pinasadahan ng tingin ni Steffanie si Lawrence at nilampasan din ito.


Sinundan ito ni Xyan, kahit paakyat sila ng hagdan ay hindi kumikibo ang dalaga. Hindi tuloy maiwasan na magmura ni Xyan sa kanyang isipan, gustuhin niya mang pagalitan ang kapatid ay mamaya niya na lamang iyon gagawin. Aasikasuhin niya muna si Steffanie.


Hanggang sa nakapasok silang dalawa sa silid na tinulugan ni Steffanie ay wala itong imik habang inihahanda ang mga gamit nito.


"B-baka gusto mong mag-almusal muna tayo," wika ni Xyan.


"Ituro mo na lang sa akin kung saan ang sakayan para makauwi na ako," walang emosyong tugon ng dalaga.


"Biik..."


"Gusto ko nang umuwi, Xyan."


Napabuntong-hininga na lamang ang binata dahil sa lamig na pakikitungo ng dalaga sa kanya. Tumango siya at mabilis na pumunta sa kanyang kwarto upang magbihis at mag-ayos ng sarili.

Ilang minuto ang lumipas ay bumabyahe na sila pabalik ng kanilang apartment. Nagpaalam naman ng maayos ang dalaga sa mga magulang ni Xyan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

XyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon