CHAPTER TEN: (Faye And Josh)
<Josh's POV>
Nakipagbreak na sa akin si Nicole kasi ang akala niya
ginawa ko lang siyang panakip-butas kahit hindi naman.
Di niya man lang ako hinayaang magpaliwanag. Psh.
Pero ok na din siguro yun para di na siya masaktan ng
sobra at baka madamay pa siya pag nagkagulo.
Kami na nga pala ulit ni Faye. Ewan ko dun, di ko pa
naman siya nililigawan pero sabi niya kami na daw. Ok
na din yun para hindi na ko mahirapan. Mahal niya ko at mahal
ko din siya. Sabi nga nila, "Hindi pinapatagal ang panliligaw.
Relasyon ang dapat na pinapatagal." Tama naman sila eh. :))
Kung tatanungin niyo ko kung masaya ako dahil nasa akin na
ang mahal ko, hindi ang sagot ko. Hindi ako masaya dahil
alam kong sa kabila ng kasiyahan ko, may isang taong
nasasaktan ng sobra dahil sa kagaguhan ko. Tss.
::BAKASYON::
Bakasyon na din sa wakas! Niyaya nga pala ako ni Faye sa
Canada. Dun daw kami magbakasyon. Pumayag naman ako.
Para makapamasyal na din. So gay. :D boring na kasi dito.
Gusto kong iwan muna ang mga problema ko dito sa Pilipinas.
Gusto ko munang magpakasaya. Bukas na ang alis namin.
Nakapagimpake na din ako. Kailangan ko na ding matulog.
Maaga pa ko bukas.
::KINABUKASAN::
Gumising, naligo, nagayos at kumain na ko. Nung tapos na ko,
nagpahatid na ko sa papa ko sa airport.
"JOSH!" Sigaw ni Faye. Nandito na ko sa airport.
"Oh, Faye, tara na?" Nagnod lang ito at sumakay na kami sa
eroplano malamang. :))
::CANADA::
Pag'gising ko nandito na pala kami sa Canada. Si Faye,
nakahiga sa balikat ko at tulog na tulog pa din. Ang ganda
niya talaga.
"Faye?" Ginigising ko na siya.
"Hmm?"
"Nandito na tayo." At bigla siyang bumangon
at nagayos. Ngumiti lang ito at inaya na akong bumaba.
Sinundo na kami ng driver nila dito at dumeretcho na
kami sa bahay nila Faye. Kaming dalawa lang
ang nandito at yung mga katulong lang nila. Tinuro lang
ni Faye yung kwarto ko.Syempre di kami pwede sa
iisang kwarto.
"Josh, pahinga ka muna. Ako din. Bukas na lang tayo
mamasyal. Goodnight." Kiniss na niya ko sa pisngi
at lumabas na ng kwarto. Humiga ako sa kama dahil
sa sobrang pagod. Kinuha ko yung cellphone ko at
kinalikot.
"Picture pa pala namin ni Nicole ang wallpaper ko. Psh."
Tinitigan ko lang yung picture namin. Iniisip kung
kamusta na kaya siya. Kung ok na ba siya. Sa totoo
lang masaya na talaga ko nung si Nicole yung kasakasama
ko. Nung siya yung girlfriend ko. Kaso siguro mas
lamang pa din yung nararamdaman ko para kay Faye.
"Nic, sorry kung nasaktan man kita. Di ko talaga sinasadya.
Minahal naman kita eh. Mas nangibabaw nga lang yung
pagmamahal ko para kay Faye. I'm so sorry."
Binuksan ko yung folder (Nicole ko). Puro pictures
namin ang nasa folder na yun. Tinignan ko ulit
isa-isa. Mga happy memories ang iniwan niya sa akin.
Samantalang ako, sad memory ang iniwan ko sa kanya.
Hayst. Nung natignan ko na lahat. Dinelete all ko na.
"Kailangan na kitang kalimutan."
::1 WEEK LATER::
Nagyaya si Faye sa mall. Syempre pumayag ako.
Nung nasa mall na kami. Kung saan saan kami
pumasok at kung anu ano ang binibili ni Faye.
"Tulungan na kita." Sabi ko sa kanya dahil ang dami
niyang bitbit.
"Wag na. Ok lang."
"Asus. Nahiya ka pa." Sabay kuha sa mga dala niya.
Wala na siyang nagawa pa.
Habang naglalakad kami, napatingin ako sa kaliwa ko
at nakita ko si...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nicole? Na may kasamang lalaki? Pero malabo.
Iba yung buhok niya tapos may kulay pa.
Pero alam kong siya talaga yun. Ang gulo ko ba?
"Ui? Anung nangyare?" Sabi ni Faye.
"A-ah. W-wala."
"Sure?"
"Yup. Tara na." At nagsimula na ulit
kaming maglakad.
<Faye's POV>
NagkaPOV din sa wakas! :D
Hello! I'm Fatima Faye. Maganda, cute at mabait.
Pero alam ko, ang tingin niyo sa akin eh, masama
at kontrabida sa istoryang ito. Well, nagkakamali
kayo. Nagiging masama at kontrabida lang
ako pag may umagaw sa Josh ko. Handa akong
pumatay. Kung di lang iniwan ni Josh yung Nicole
na yun eh malamang napatay ko na yun. Sulutera
siya. >:( I hate Nicole so much. Back to reality,
Nakauwi na kami ng Pilipinas ni Josh.
Naenjoy ko ang bakayon kasama siya.
"Faye, alis na ko ha?"
"Ok babe. Bye. I love you!"
"I love you too." At kiniss ko na siya sa pisngi.
Umalis na siya. Ako naman, pumasok na sa
kwarto at nahiga sa kama. Pagod ako.
"Paano kung mahal pa nila ang isa't isa?" Biglang
pumasok sa isip ko ang tanung na yan. Hindi maaari!
Hindi mo makukuha sa akin si Josh, Nicole!
BINABASA MO ANG
My First And Somehow Be The Last (On Going)
Teen FictionMinsan masyadong mapaglaro ang tadhana. Di natin alam kung sinong para sa atin. Biglang may darating sa buhay mo at mamahalin mo ng sobra dahil akala mo siya na talaga ang para sayo. Pero darating ang araw na mawawala siya bigla na parang bula. Gugu...