MFASBTL Chapter 22

39 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: (Fieldtrip)

<Nicole's POV>

Fieldtrip na nga pala bukas. Sa kasamaang palad.

Yung mga taga'IT ang kasabay naming mag'fifieldtrip.

3 araw ko silang makakasama at makikita. Iniisip ko pa

lang, parang di ko na kaya. =_____= sa tagaytay nga pala

kami pupunta. Magaayos na nga lang ako ng mga dadalin

ko para bukas. Hindi ako naeexcite. Mukhang 3 araw akong

mababadtrip. Ikaw kaya yung makasama mo si Faye ng 3

araw, matutuwa ka kaya? Isama mo pa yung hinayupak na

Josh na yun. >< Buti pa si Jaime masaya dahil kasama

niya ang Sean niya. :(( kung sabagay, kasama ko naman

si Yuki. Alam ni Yuki yung nangyari sakin nung araw na

yun at galit na galit siya. Haaay. Makatulog na nga maaga pa

akong gigising bukas.

::KINABUKASAN::

*KRING KRING KRING*

(A/N: Alarm clock yan kunyari. XD)

Inat. Inat. Inat. Kusot mata. 4:00 a.m. na pala. Kailangan ko

ng magayos. 5:00 a.m. ang alis namin eh. Bumangon na ko.

Naligo, nagbihis, nagayos, bumaba na at kumain. Pagkatapos

nagpahatid na ko sa papa ko sa school. Dun kasi magkikita-kita

ang lahat at nanduon din ang mga bus.

Nandito na ko sa school. Hinahanap si Yuki. Pati na din sila

Jamie at Sean. Kaso hindi ko sila makita. Imbis na sila yung

makita ko. Si Josh at Faye ang nakita ko. WTF! Ang aga-aga

sila kagad makikita ko. Potek! ><

"Nicole!" May sumigaw at dahil sa madilim pa, hindi ko makilala.

"Huy?! Si Yuki to." Ah, si Yuki lang pala.

"Oh, kanina pa kita hinahanap eh." Sabi ko.

"Nandun kasi kami nila Jaime at Sean sa bus."

"Ah, sino katabi ko?"

"Ako. Tapos yung dalawa, magkatabi."

"Ganun ba? Sige, tara na sa taas."

Nasa loob na kami ng bus. Katapat namin yung dalawa.

Sa kasamaang palad, sa likod namin uupo sila Faye

at Josh. Pinaghalo na kasi. Nananadya ba ang kamalasan? =.="

Mukhang hindi magiging maganda at masaya ang fieldtrip na to ha.

Umandar na ang bus namin. Yung iba tulog na. Yung iba kumakain

at yung iba naman nagkwekwentuhan. Si Yuki, nakasandal lang habang

nakikinig ng music. Sila Sean at Jamie? Ayun, sweet nila. Sila na sweet!

Ako, nakasilip lang sa bintana. Hindi ako dinadalaw ng antok eh. ><

"Josh, tara kain tayo baby." Sabi ni Faye.

"Sure babe." Sagot ni Josh

"Say "AH" baby."

"Ah."

"Baby, i love you!"

"I love you too babe."

Nangaasar ba tong dalawa sa may likuran namin.

Parang gusto ong manunutok. Nakasarado na yung

dalawa kong palad. Nananadya ba sila?! Naramdaman

ko namang hinawakan ni Yuki yung isa kong kamay.

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya at umiwas na din

ng tingin. Tumingin na lang ulit ako sa may bintana. At

nakaramdam ako ng antok.

"Nicole. Gising na. Nandito na tayo." Sabi ata ni Yuki?

Minulat ko yung mata ko, si Yuki nga. Naka'smile pa

ang loko.

"Eto na nga po eh." Sabi ko sabay kuha sa mga gamit ko.

"Ako na magdadala."

"Wag na." Pero mapilit eh. Siya pa din ang nanalo.

Hinatid na niya ko sa room ko este namin ni Jamie.

By pair kasi sa isang room. Kami ni Jaime ang magkasama

sa isang room at sa pagkakaalam ko, si Yuki at Sean ang

magkasama.

"Hoy nicole! May taga'bitbit ka pa ng gamit ha?" Pangaasar ni

Jamie.

"Siya kasi eh. Ang kulit-kulit." Sagot ko.

"Mahal mo na ba si Yuki?"

"Ha? Anung klaseng tanung yan?"

"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"

"Hindi. Hindi ko siya mahal."

"Ha?! Eh bakit naman?"

"Jamie naman, sa tingin mo ba ganun kadali ang

magmove-on?"

"Ano?! Di ka pa din nakakapagmove-on?!"

"Kung ganun sana kadali eh. Di mo pa kasi

nararanasan." ><

"Hay naku Nicole, di ka magkakalovelife

niyan eh."

"Kuntento na ko sa pagiging single. Mabubuhay pa din

naman ako kahit walang lovelife eh. Palibhasa ikaw

meron eh."

"Tama na nga. Magiging masaya kaya tong fieldtrip na

to?"

"Sa tingin ko, HINDI."

"Hahahaha. Alam ko--"

"Nic-nic, Jamie ko, tara na sa baba, kakain na daw tayo."

Sabi ni Sean. Nasa beach nga pala kami. At dun kami

kakain sa labas, sa tabi ng beach. Sabay-sabay lahat.

Ibig sabihin hanggang sa pagkain, makikita ko yung

pagmumukha nung dalawa? ><

Bumaba na kami ni bes at umupo. Katabi ko si Yuki. Siya

naman, sino pa ba? Eh di ang Sean niya. Nagsimula ng kumain

ang lahat. Etong bes ko at boyfriend niya ngsusubuan pa.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan nila Faye at Josh. Aba't

nagsusubuan din. Tss. PDA much? Hmp. Care ko sa kanila.

Kakain na nga lang ako. Sarap-sarap. :)))))))))))

Nung tapos na kong kumain, naglakad-lakad ako. Trip ko lang

magmuni-muni. Umupo ako sa tapat ng puno at sumandal doon.

Ang sarap tumambay dun. Mahangin, tahimik, malilim at ang tanging

maririnig mo lang ay ang alon sa dagat.

My First And Somehow Be The Last (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon