CHAPTER TWENTY THREE: (When I'm With You)
<Nicole's POV>
Mulat. Kusot ng mata. Aray ko. Ang sakit ng balikat ko. Teka, bakit
parang ang bigat? Tumingin ako sa gilid ko. Te-teka, si Yuki?
Nakahiga sa balikat ko.
"Sorry, nakatulog din pala ko." Sabi ni Yuki na kakagising lang.
"Bakit ka nandito?"
"Wala lang, hinahanap kasi kita tapos dito kita nakita. Eh,
ang sarap kasing tumambay dito kaya umupo ako sa tabi mo.
Di ko naman sinasadyang makatulog eh."
"Hahaha. Ok lang. Kaya nga ako nandito eh. Masarap nga kasing
tumambay dito."
"Tara, lakad-lakad tayo."
"Tara!"
Tapos naglakad-lakad kami. Nagpulot din kami ng shells tapos
sa bandang huli, itatapon din namin. Para kaming mga adik.
Sayang lang yung effort sa pagpupulot. Hahaha. Pero ang saya kasi eh.
Nung medyo wala na kaming magawa, nagbihis na kami kasi maliligo na
kami sa beach. Di na kasi mainit. Nung bihis na kami, nagpaunahan kami
ni Yuki papunta sa beach tapos nagbasaan kami. Naglunuran na din. Tapos
naghabulan sa tubig. Para kaming abnormal nuh? Masaya pala siyang
kasama. Nakakalimutan ko yung mga problema ko.
"Hahahaha. Ang weak mo Nicole!"
"Sinong weak ha?!" Tumakbo ko papunta sa kanya at nilubog siya.
Tapos dinaganan ko siya. Kaso, bigla siyang tumayo kaya
Tumumba ko at ako naman ngayon ang nakalubog. Pagkaangat ng ulo ko,
*UBO*
*UBO*
*UBO*
"Nicole, ok ka lang ba?" Tanung ni Yuki.
Hindi ako umiimik.
"Ui? Nicole?!" Sabay tapik ng mahina sa likod ko, patuloy pa din ako
sa pag'ubo.
"Yaaaaaaaaaaaaah!" Sabi ko sabay lubog ko sa kanya sa tubig. At mas
nagpabigat ako para di na siya makatayo. Oo, acting lang yun. :D
Tinaas niya yung kamay niya, ibig sabihin di na siya makahinga.
Tumayo na ko para makatayo na din siya.
"Ok ka lang ba Yuki? Hahahaha. Weak pala ha?"
"Hahaha. Oo na, di ka na weak. Super weak lang." Tapos binelatan (:P)
pa ko sabay takbo sa may tubig, ako naman hinabol ko. Naghabulan kami.
Hanggang sa umabot na kami sa may buhangin siguro nahihirapan na siyang
tumakbo sa tubig. Ako, todo habol pa din hanggang sa,
*BOOOGSH*
Bumagsak kami pareho. Nasa ibabaw niya ko at nasa ilalim ko naman siya.
Kasi tumatakbo siya ng nakaharap sakin tapos bigla siyang huminto eh ako
naman, hindi agad nakapag'preno. Ayan ang resulta. >< Nakatingin lang ako
sa mga mata niya. Ganun lang din siya. Sobrang lapit ng mukha namin sa
isa't isa. Ang pogi pala niya. At siya ang dahilan kaya ako masaya
ngayon. Gusto ko na siyang kasama palagi. Siya yung taong kahit ilang
beses mong saktan, hinding-hindi magsasawang pasayahin ka. Sana,
ikaw na lang siya.
"Nicole! Yuki! Kakain na! Mamaya na yan!" Sigaw ni Jaime.
Napalingon kami sa kanya. Kasama pala niya si Sean.
Bigla naman akong tumayo at umupo naman si Yuki. >////<
Ngayon lang nagsink-in sa utak ko yung pwesto namin kanina.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakakahiya! =.="
Iniabot ko kay Yuki yung kamay ko para tulungan siyang
tumayo, kinuha naman niya at tumayo na siya at sabay kaming
naglakad papunta kila bes. ><
"Pasensya sa istorbo bro!" Sabi ni Sean kay Yuki.
"Ayos lang bro." Sagot naman ni Yuki.
Ako naman nakayuko lang dahil sa sobrang hiya.
Nakayuko lang ako hanggang sa nakarating kami sa
tinutuluyan namin.
Kumain na kami. Katabi ko pa din syempre si Yuki. Tapos di pa
din siya tapos sa kakulitan niya, halos lahat ata ng pagkain sa
mesa, nilagay niya sa plato ko. Syempre, di ako napatalo.
Ganun din ang ginawa ko.
"Ubusin mo yan ha?" Pangaasar ko.
"Sige ba!" Tapos nagsimula na kaming kumain.
Nung tapos na kong kumain. Pumunta ko sa beach. Naupo
ako sa buhangin at nakatingin lang sa beach. Ang tahimik.
"Emo ka na naman." Sabi ni Yuki. Nandito na naman siya. ><
"Emo mo mukha mo!"
"Sungit naman." Sabay kiliti sakin.
"Hahahaha. Yu-- Hahahahaha. Yuki na--. Hahahahaha.
Yuki naman. Hahahahaha. Tama. Hahahaha. Na!
Hahahaha." Sabi ko, buti tumigil na siya.
"Ang lungkot mo kasi eh."
"Ako? Malungkot? Mukha mo!" Sabi ko sabay kiliti naman sa kanya.
"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahah
hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha
hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha"
Yan si Yuki, makatawa, WAGAS! XD
Tapos ayun, nag'gantihan kami sa kilitian. Kaya, in short,
nagkikilitian kami sa buhangin. Puro buhangin na tuloy
kami. Buti at gabi na. Di naman madilim sa pwesto namin dahil
may mga poste ng ilaw dito. Nung napagod na kami, tumigil
kami at nahiga sa buhangin.
"Yuki."
"Hmm?"
"Thank you."
"Para saan?"
"Kasi palagi kang nasa tabi ko."
"Wala yun. Ikaw pa."
"Alam mo Yuki, masaya ko pagkasama kita. Nakakalimutan
ko yung mga problema ko. Napapasaya mo ko ng sobra
alam mo ba yun? Sana. Sana ikaw na lang siya." Sabi ko.
Hindi naman umimik si Yuki. Kaya di na din ako nagsalita.
Basta ang alam ko, masaya ko kapag kasama siya.
BINABASA MO ANG
My First And Somehow Be The Last (On Going)
Teen FictionMinsan masyadong mapaglaro ang tadhana. Di natin alam kung sinong para sa atin. Biglang may darating sa buhay mo at mamahalin mo ng sobra dahil akala mo siya na talaga ang para sayo. Pero darating ang araw na mawawala siya bigla na parang bula. Gugu...