CHAPTER FOURTEEN: (Sean Is Inlove)
<Sean's POV>
Ang weird naman ni Jamie. Di ko na ulit siya nakita.
Huling kita ko sa kanya eh nung nilibre ko siya. Totoo
kayang gusto niya ko? Mahirap mag'assume. Sa totoo
lang, stalker niya ko eh. Ay mali, pogi kong to stalker?
Secret admirer pala niya ko. Matagal ko na siyang gusto
kaso mukhang malabong mapansin niya ko. Andito ako
ngayon sa may gym. Nagbabaka sakaling makita ko siya
dito. Palagi kasi siya dito. Nagpprapractice ng table tennis.
Sobrang galing niya sa table tennis. Idol ko yun eh.
Di ako nagkamali, nandito nga siya. Galing siyang CR dahil
nagpalit siya ng damit. Nilapitan ko siya.
"Hi, Jamie."
"H-hello." Nagbublush na naman siya. Ang cute niya talaga.
"Panuorin ko practice mo ha? Tapos hatid kita sa inyo maya."
"Ha? Eh, sige. Kaw bahala."
"Jamie!" Tawag sa kanya nung coach nila.
"Ah. Sige. Maya na lang." Sabi niya.
"Sige." Tapos tinap ko na lang yung shoulder niya.
Nagumpisa na sila. Ako naman, busy. Busy sa panonood sa
kanya. Minsan, pag nagpapahinga sila, napapatingin siya
sa akin. Ako naman, nagthuthumbs up lang sa kanya.
Tapos siya ngingiti lang. Sobrang cute niya pag nakangiti.
"Oh! Last practice na tapos pwede na kayong umuwi."
Sabi nung coach. Nung natapos na sila, pumasok si
Faye sa CR para magpalit sigro. Maya-maya lang, lumabas
na siya.
"Tara na?" Sabi niya habang nakangiti.
"Tara." Tumayo ako tapos hinawakan yung kamay niya.
*DUG DUG*
*DUG DUG*
*DUG DUG*
Ewan ko ba. Di ko na macontrol ang sarili ko kaya
nahawakan ko na yung kamay niya. Di naman niya
tinatanggal. Sabi kasi ng isip at puso ko, kailangan
ko ng gumawa ng moves baka mawala pa siya sakin.
Dumadamoves naman ako. Haaay. Kailan ka kaya
magiging akin, Jaime?
FAST FORWARD.
Araw-araw na kaming nagkikita ni Jaime. Mas lalo
kaming naging close. Sabay kaming pumapasok,
umuuwi pati sa pagkain. Para na ngang KAMI kahit
hindi. Bukas na bukas, sisimulan ko na siyang ligawan.
"Ui? Tulala ka?" Sabi ni Jaime. Magkasama kami ngayon
dito sa gym.
"Ah, walang magawa eh."
"Laro tayo?"
"Ng?"
"Table Tennis."
"Table Tennis?"
"Hindi, hindi. Patintero siguro."
"Pilosopo."
"Eh, paulit-ulit dapat?"
"Oo na. Laro na tayo."
Tapos naglaro na kami. Syempre palaging siya yung
panalo. Expert na siya eh.
"Paano ba yan? Talo ka. Libre mo ko! Hahaha." Sabi ni Jaime. ^3^
"Sige. Tara na."
Dinala ko siya sa isang mamahaling restaurant.
Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Syempre di niya
ineexpect na dito ko siya dadalin. Pero dahil mahal ko siya,
sisimulan ko na ang panliligaw. *INHALE* *EXHALE*.
"T-teka lang Sean. Mahal dito. Pwede namang fishball lang
ang bilin natin eh. Hindi naman ako mapili sa pagkain."
"Sino bang manlilibre?"
"Ikaw."
"Ako pala eh. Eh dito ko gustong kumain eh. Tara na." Sabi ko
at nagnod lang siya.
Pumasok na kami at naupo sa pangdalawahang upuan.
Magkaharap kami ngayon. Walang nagsasalita o
kumikibo man lang. Simulan ko na kaya? Kinakabahan
ako. Goodluck. ><
"Ahm, Jaime?"
"Hmm?"
"Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa, simula noon may gusto
na ko sayo kaso di ako umaasang mapapansin mo ko
kasi sino ba naman ako hanggang sa nagkabunguan tayo.
Parang nagkaroon ulit ako g pag'asa. Jaime, mahal kita.
Mahal na mahal." Sabi ko at parang nagulat siya sa sinabi ko.
"Sigurado ka?"
"Oo. Bakit?"
"Mahal din kita Sean."
"Talaga?" Nagnod lang ito. Tumayo ako ay yinakap siya.
Wala akong pake kahit pinagtitinginan na kami.
Basta ngayon, masaya ko. Masaya kami.
BINABASA MO ANG
My First And Somehow Be The Last (On Going)
Teen FictionMinsan masyadong mapaglaro ang tadhana. Di natin alam kung sinong para sa atin. Biglang may darating sa buhay mo at mamahalin mo ng sobra dahil akala mo siya na talaga ang para sayo. Pero darating ang araw na mawawala siya bigla na parang bula. Gugu...