CHAPTER TWENTY SIX: (Back To Normal)
<Nicole's POV>
Tapos na ang fieldtrip. Back to normal na naman. ><
Aral-aral na ulit. Haaay. Pero syempre may saturday
at sunday pa para magpahinga. Susulitin ko yung
dalawang araw na yun para matulog magdamag.
Hahaha. :D tamad ako eh. XD di ako makapagmove-on
sa mga nangyari nung fieldtrip. Sobrang saya ko. \(^_^)/
Teka, biglang may nagtext.
From: Bes Jaime
Bes, tara dito samin. May kwekwento ka pa sakin.
Dali!
To: Bes Jaime
Ayoko. Tinatamad ako. Kaw na lang ang pumunta
dito kung gusto mo.
From: Bes Jaime
Tamad! Batugan! Sige. Wait mo ko.
To: Bes Jaime
Thank you! :P sige. ><
Maya-maya lang, biglang may nagdoorbell.
*DING DONG*
*DING DONG*
*DING DONG*
"Ayan na! Saglit!" Sigaw ko.
*BUKAS NG PINTO*
"Ang bilis mo naman bes?"
"Syempre, ako pa." ^^
"Hay naku, basta balita, ang bilis mo."
"Tama na nga. Nililibang mo lang ako eh. Ano ba?
Kayo na ba?"
"Nino?"
"Ni Yuki! Malamang!"
"Ah, hindi nuh."
"Asus, pero nung fieldtrip, todo ngiti ka kapag
kasama mo siya."
"A-ah, e-eh, a-ano kasi."
"Sige ano?"
"Kasi masaya ko kapag kasama ko siya."
"Inlove ka na nga kay Yuki."
"Inlove kagad? Di porket masaya kang kasama ang
isang tao eh mahal mo na. Bakit masaya din naman
ako kapag kasama kita ha? Ibig sabihin ba nun,
inlove ako sayo?"
"Baka. Siguro. Ewan. Natotomboy ka na."
"Gaga! As if namang magpapakatomboy ako para
sayo. Yuck! Duh!"
"Hahaha. Lul! Pero, ano na ba talagang tingin mo
kay Yuki?"
"Tao. Bakit? Mukha ba siyang hayop?"
"Pilosopo! Mahal mo na ba siya or what?"
"Kaibigan lang."
"Ganun? Akala ko pa naman mahal mo na."
"Tss. Ewan ko sayo. Mangaasar ka lang
pala eh. Umuwi ka pa."
"Badtrip agad-agad? XD Maya na. Kain muna
ko." Tapos biglang labas ng kwarto ko.
Tss. Pumunta dito para makikain. Psh. ><
Pero, napaisip ako dun wa. Mahal ko na nga ba
siya? Pero, mukha namang hindi. Kasi, sa totoo lang
hanggang ngayon si Josh pa din ang laman ng
puso't isip ko. Nakapagmove-on na sana ko ngayon
kung hindi niya lang ako pinaasa na mahal niya
pa ko. I hate this damn heart! Kung kaya ko lang
mahalin si Yuki, gagawin ko na. Kaso, di siya
ganun kadali.
"Hi, Nic-Nic!" Sabi ni Sean. Teka, bakit siya nandito?
"Hoy, bakit ka nandito?"
"Aww, di ba ko welcome? Pinapunta ko ni Jaime ko eh."
"JAIMEEE!" Sigaw ko.
"Oh, bes. Bakit?" Tanung ni Jaime.
"Anung bakit? Akala ko ba makikikain ka lang eh bakit
pati boyfriend mo nandito?"
"Makikitambay."
"Makikitambay?! Ano to tambayan?!"
"Pwede."
"Hoy! FYI, bahay to! Bahay ko! At hindi park o
tambayan. Maglalabing labing lang naman
kayo dito eh, oh siya, uwi! Shu. Shu!"
"Eto na. Uuwi na. Sungit mo. Hmp!" Sabi ni bes.
Sabay labas ng bahay kasama si Sean. Tampo
na naman yun for sure. Eh kasi naman, ayokong
maglampungan sila sa harapan ko. Maiinggit lang ako at
for sure maaalala ko lang ang past ko sa kanila.
::KINABUKASAN::
Sabi ko nga, back to normal kaya puro klase na ulit
kami. Aral dito. Aral doon. Kailangan kong mag'aral
ng mabuti. ^^ Oo nga pala, malapit na nga pala ang
College Night namin. Para din siyang JS kaso dito
lahat ng year kasali. Kunyari, 1st year college, lahat
lang ng 1st year. Lahat ng course. Halo-halo na yun.
I mean sama-sama. Di naman ako naeexcite eh. -.-
"Bes!" Sigaw ni Jaime na kakapasok lang.
"Oh?" Walang gana kong sagot.
"Bad mood? Lapit na college night ah."
"Oo nga."
"Nakakaexcite!"
"Ikaw lang."
"Bakit naman? Di ka ba naeexcite?"
"Hindi. Tss." Sabay yuko ko sa desk. =.=
Ayokong pinaguusapan yung night na yun. >< kailangan
kasi may partner dun. Eh sinong partner ko? Psh. -_-
BINABASA MO ANG
My First And Somehow Be The Last (On Going)
Teen FictionMinsan masyadong mapaglaro ang tadhana. Di natin alam kung sinong para sa atin. Biglang may darating sa buhay mo at mamahalin mo ng sobra dahil akala mo siya na talaga ang para sayo. Pero darating ang araw na mawawala siya bigla na parang bula. Gugu...