CHAPTER TWENTY: (I Still Love You)
<Josh's POV>
Sila na pala nung Yuki na yun. Fvck! Nandito ako
ngayon sa bar. Ang sakit palang makita yung mahal
mo na kasama yung taong mahal niya.
"Hi baby." Sabi nung malanding babae sa harapan
ko na halos makita na ang lahat.
"Hello." Sabay alis sa harapan niya. Istorbo naman!
Medyo nahihilo na ko. Marami-rami rin akong nainom.
Puntahan ko kaya si Nicole? Oo, tama. Pupuntahan ko siya.
Nandito na ko sa may gate nila. Kakatok pa
ba ko? Masyado ng gabi. Pero, kailangan ko si
Nicole. Kailangan niyang bumalik sakin.
*TOK TOK TOK*
*TOK TOK TOK*
*TOK TOK TOK*
<Nicole's POV>
*TOK TOK TOK*
*TOK TOK TOK*
*TOK TOK TOK*
Naalimpungatan ako. Sino ba naman yun? Kung
makakatok, wagas. Tska 2 a.m pa lang may
bisita na kagad kami? Hmp! Sumilip ako sa bintana,
nakita ko si,
"Josh?" Ano namang ginagawa niya dito?
Bumaba ako at binuksan yung gate.
Naka'inom si Josh. Pa'gewang-gewang na sa paglakad.
Amoy na amoy pa yung alak.
"Nicole, sorry. Mahal pa kita." Sabi ni Josh.
"Teka Josh, lasing ka lang. Umuwi ka na."
"Ayoko. Tayo na lang ulit. Iwan mo na yung Yuki na yun."
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ha, Josh?"
"Oo. Mahal kita. Mahal na mahal." Pagkasabi niya nun,
bigla siyang nawalan ng malay.
Pinasok ko siya sa kwarto ko. Nagpainit ako ng tubig.
Kumuha ng pamunas at pinunasan siya.
"Mahal din naman kita Josh, kaso hindi na pwede.
May boyfriend na ko. May girlfriend ka na. Tanggapin na lang
natin na hindi tayo para sa isa't-isa." Sabi ko habang pinupunasan siya.
"N-nicole, please. Ako na lang ulit." Sabi niya habang tulog.
Nakita ko din na may luha ng tumutulo galing sa mata niya.
Ngayon ko lang siyang nakitang umiiyak.
"Shhhhh. Matulog ka na. Bukas, makakalimutan mo din lahat
ng sinabi mo." Sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya at
umalis na ko. Sa sala na lang ako matutulog.
<Josh's POV>
Aww. =.= Ang sakit ng ulo ko. Anu bang nangyari kagabi? -.-
Teka, nasaan ako? Di ko to kwarto. T-teka, kwarto to ni Nicole.
"Gising ka na pala. Bumaba ka na at kakain na." Napatingin ako
dun sa nagsalita. Si Nicole pala. Namiss ko yung boses at mukha
niya.
"Oh, eto ang damit. Maligo ka muna jan." Sabi niya sabay labas.
Naligo na ko. Nagbihis at bumaba. Nakita ko si Nicole na
nakaupo na.
"Upo na." Sabi niya. Tapos nagsimula na siyang kumain.
"Tititigan mo lang ba ko? Kumain ka na." Sabi niya kaya
kumain na ko.
"Nasaan parents mo?" Tanung ko.
"Nasa Canada. Binisita si kuya."
"Ah."
Nung tapos na kaming kumain. Nagpaalam na ko
sakanya dahil may pasok pa kami.
"Nic, alis na ko. Salamat." Sabi ko.
"Sige, ingat." Sabi niya sabay pasok sa loob ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
My First And Somehow Be The Last (On Going)
Teen FictionMinsan masyadong mapaglaro ang tadhana. Di natin alam kung sinong para sa atin. Biglang may darating sa buhay mo at mamahalin mo ng sobra dahil akala mo siya na talaga ang para sayo. Pero darating ang araw na mawawala siya bigla na parang bula. Gugu...