Teen Clash [Boys vs. Girls]

10.8K 91 5
                                    

author: iDangs

*****

"Words without action is useless and action without words is confusing."

*****

"Paano ko gagawin ang maging masaya kung alam kong hindi naman ako ang nagpapasaya sa kanya? Paano ko gagawin ang maging masaya kung sa bawat tingin ko sa kanya, naaalala ko lang yung taong sobrang mahal ko at gusto kong maging sa akin pero hindi ko naman makuha?"

*****

"Sorry po ma'am if it sounds rude. Pero po kasi wala po talaga akong pakialam. Kasi po... mahal naman ako ng taong mahal ko. Kaya kahit anong piliin ko dyan, okay lang. Totoo naman di ba? Mahal mo rin naman ako di ba Sab?"

*****

"Paano kung yung babaeng importante sayo alam mong pinaiyak ng siraulong lalaki? Uupo ka lang ba sa isang tabi? Kasi ako hindi."

*****

"Alam mo kasi Ken, mas okay pa yung lalaking di sinasabi yung feelings nya at nagpapakatorpe pero totoo yung nararamdaman. Kesa naman sa mga dumidiskarte nga at napakavocal, PERO, mga di naman totoo at purong pangbobola lang yung sinasabi."

*****

"Kakambal na ng magmahal ang masaktan. Kahit hindi man gustuhin, masasaktan at masasaktan tayo. Pero ang mahalaga ay ang matuto tayong bumangon matapos natin masaktan. Maisaayos ang mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan."

*****

"Ah? Tipo ko? Hmm. Gusto ko kasing gwapo at cool ni Daniel Padilla. Kasing galing kumanta ni Liam Payne. Kasing hot ni Channing Tatum. Kasing cute ni Logan Lerman. Kasing yaman ni Bill Gates. Kasing talino ni Einstein. Yun. Yun yung tipo ko."

*****

"Hindi lahat ng pinipili ang taong mahal nila ay sumasaya. Mas marami ang umiiyak. Kasi hindi naman lahat ng pagmamahal, nasusuklian. Dun ka na lang sa taong nagmamahal sayo. Para di ka pinapaiyak."

*****

"Wala namang masamang sumugal. Mas ayos na siguro ang magsisi ka sa bagay na ginawa mo kaysa magsisi ka sa bagay na hindi mo nagawa."

*****

"Ang sabi ko liligawan kita. Hindi ako nagpapaalam sa'yo. Sinasabi ko lang 'to para alam mo. Basta gagawin ko 'to. Pumayag ka man o hindi, liligawan pa rin kita. Kaya wala ka nang magagawa kahit hindi ka man pumayag."

*****

"Hindi man ako yang ideal guy mo, sinisigurado ko naman sayo na ako lang ang lalaking magmamahal sayo ng ganito."

*****

"Alam mo Zoe, para kang makitid na tulay. Kasi sa tuwing dadaan ako sayo, kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi mahuhulog ako."

*****

"Kung may pag-asang mahalin mo ang taong nagmamahal sayo, edi may posibilidad din na mahalin ako ng taong mahal ko. Kaya hihintayin ko na lang yung panahon na yun. Yung mamahalin din niya ako."

*****

"Wag mong itulad ang lahat ng lalaki sa akin o dyan sa nang-iwan sayo. Iba iba kami. Hindi porket iniwan ka niya. Iiwan ka rin ng iba."

*****

"Yes Yannie. I'm damn jealous. Happy?"

*****

"Alam mo kasi Sab mahirap din naman maging lalaki. Akala niyo puro sarap lang nararanasan namin. Kapag ganyang nainlove kami di niyo alam kung gaano kahirap mag-ipon ng lakas ng loob para lang umamin sa taong mahal namin. Tapos anong mapapala namin? Marereject lang?"

*****

"Nakakatawa na ang dami dami ng nakakaalam pero yung mismong taong gusto ko wala pa rin kaalam alam."

*****

"Sumigaw ka. Umiyak ka. Magwala ka. Gawin mo gusto mong gawin. Wag mong itago lahat ng nararamdaman mo. Kung nasasaktan ka sabihin mo. Kung nahihirapan ka ipakita mo. Wag mong sarilinin yang problema mo. Para saan pa't tinawag mo kaming kaibigan mo kung sasarilinin mo lang din yang dinaramdam mo. Minsan okay lang ang umiyak at ipakitang mahina ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat ipakita mong malakas ka."

*****

"Gusto ko lang siyang makausap. Gawain naman ng ibang lalaki yun di ba? Yung iinisin yung taong gusto nila para makapagpapansin. Kaya ginaya ko na."

*****

"Minsan hindi dapat ang sarili lang ang isipin natin. Isipin din dapat natin yung makapagpapasaya sa mga nakapaligid satin. At kung kaya mong ibigay yung kasiyahan na yun sa kanya, ibigay mo. Even if it means hurting yourself."

*****

"Walang dahilan ang pag-ibig. Dahil kung may dahilan man yan, kapag nawala na ang dahilan niya, wala na rin ang pagmamahal niya."

*****

"Dalawa lang naman ang pwedeng dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao. Una kasi sobrang saya niya o pangalawa kasi sobrang nasasaktan na siya."

*****

Quotes/Lines from your favorite Wattpad stories: Volume 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon