6) I love you Since 1892

15 2 0
                                    

"Isang libo't walong raan, siyam na pu't dalawa" (I love you since 1892)

Panaho'y di pinagsasabay
Tadhanang taliwas ang lagay
Pag-akyat sa hagdan ng kawalan
Mahuhulog sa pares ng iyong mga kamay

Nakakailang na pagkikita, walang balak magsalita
Ikinalulugod na nagpakilala, Carmela, hindi, Carmelita
Takang di mo tinanggap, kamay na nilahad ko
Nakangiting tumungo, 'Ako si Juanito Alfonso.'

Gaan ng loob, pintig at tibok
Mahulog sa bitag ng isang pagsubok
Nabuhay sa panahon na di kinabibilangan
Ngunit sa isang lalaki'y nagbago biglaan

Itama ang mali! Pumasok ang bilin
Bumalik ka para sa baluktot na tutuwirin
Walang dapat mamagitan, o kaparusahan
Naghihintay sa magbubuwis at pagdudusahan

Sa aking pagbagsak ay siyang wasak rin ng puso
Luha'y pumatak, ngala'y sa isip banayad, di maglaho
Bulong ng isip kalabitin ang gatilyo
Iba ang nasisilayan, di ka, aking ginoo

Nanghina ang tuhod, nang banggitin aking pangalan
Walang makatutumbas sa ating pagmamahalan
Sa piling mo nakaramdam ng kasiyahan
Kasiyahan na sa iyo ko lamang matatagpuan.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon