Ano bang meron sa kanya na wala ako?
Ano pa bang kulang para pabayaan mo nalang ako ng ganito,
Wala naba talagang halaga,
Lahat ng pinagsamahan nating dalawa?Minsan iniisip ko?
Sira na ba tong telepono ko?
Kase wala akong natatanggap na txt mula sayo,
Chineck ko yung messenger ko,
Pero bat ganun?
Wala kang paramdam halos aabutin na ng ilang linggo.Ahh oo nga pala
Magka-away tayong dalawaMasaya ba kase malaya ka ng nakakapaglaro?
Na pati relasyon natin ay unti unti ng gumuguho.Alam mo ba pakiramdam ko iniwan mo na akong mag-isang dumidepensa sa TORRE nating dalawa,
Malapit na akong mag SLAIN ng lungkot kase pakiramdam ko wala akong halaga.Habang binabasag mo yung torre ng iba,
Ito yung torre natin isang pitik nalang wasak na.Kelan mo kaya maiisipan lumingon,
Kelan mo kaya ulit ako ipagtatanggol,
Kelan mo kaya ako ulit proprotektahan,
Kasama ng torre ng ating pagmamahalan.Sana bago mo yun maisip at gampanan,
Hindi ka mahuli bago pa kami mawasak ng kalaban,
Kase kung ganun kasakit ma Slain,
Mas masakit malaman na kayo ang lamang,
Pero pag lingon mo, wasak na pala yung base na dapat mong protektahan.
Victory na sana,
Kaso na DEFEAT pa.
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMaking poetry is the best why? • Because that's how I can express my feelings to you.