Sapilitan nang lilisanin ang kahapon
Magpa-patuloy sa kasalukuyan na tanging ala-ala nalang ang baon
Tatalikdan na ang tula na minsan kong minahal
Mga tugma na nag tanggal ng sumpa na minsa'y sakin sumakal
Hahakbang ng isa,hahakbang ng dalawa
Tinuruan ang leeg na hu 'wag nang muling lumingon pa
Kumawala na sa mga yakap na dulot sakin ay ginaw
Tumakas sa tahanan na minsa'y itinuring kong ikaw
Binura na sa isip ang napakarilag mong ngiti
Ang nakalulugod mong pisngi
Ang imahe ng iyong mukha na dulot saki'y pighati
At binitawan na ang mga kamay na ang nais na ay magpa tangay
sa bagong rhythmo ng pag ibig na iba na ang kasabay
Ako'y magpa-patuloy na sa pag hakbang
Muling magi-isa sa aking kawalan
Na minsa'y naging kalawakan nating dalawa
Nawa'y matagpuan mo na ang tunay na saya,sa pagka-tao na iba
Sana'y ituring kang pinaka makinang na tala sa mundo nya.Isasama ko sa aking pag-alis ang imahe ng iyong mga mata
Ang naka sisilaw nitong ganda
umaasa ako na sa muli nating pagki-kita ay iba na ang wangis ng 'yong ngiti
Iba na ang sigla ng 'yong pisngi
At nasa pangangalaga na ng taong dulot sayo'y saya't hindi hapdi
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMaking poetry is the best why? • Because that's how I can express my feelings to you.