14) HULING TULA PARA SAYO

19 3 0
                                    

Huling tula para sayo
Kahit hindi man umabot sa dulo
Kasi yun ang dating pangako
Na aabot tayo sa dulo

Nagising ako sa katotohanang wala kana
Sa umaga pagdilat ng Aking mga mata
dama pa ang basang unan dahil sa mga luha na galing sa mata

Tila napakaperpekto ng lahat
Mahal mo ako, mahal kita; iniisip na ito na ay sapat
Ngunit bigla na lamang din nagkaroon ng lamat
Saan ba ako nagkulang? Minahal naman kita ng tapat

Parang kailan lang, masaya pa tayong dalawa
Na sabay tayong nangarap na balang araw ito'y matatamasa
Sa mga planong iyon ay ang masayang pamilya
Kasama na roon ang magiging anak na ating makakasama

At sa pagtunog ng malakas na kidlat
Kasama nito ang alaala ng pusong may peklat
Na sana, ang liwanag sa akin ay muli ng sumikat
Sa lahat ng memorya, mahal ko, maraming salamat.

Sa huli, itong malaking puwang sa puso ko ay mananatiling patlang.
Patlang na walang ibang makasasagot kahit na sino.
At ang kukumpleto lamang sa patlang na ito ay ang kalahating bahagi ng iyong puso.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon