Minahal kita Hindi lamang sa pekeng Mundo,
Sa totoong Mundo oo,
Pero Hindi pa ako handa,
Baka masaktan lamang kitaPatawad kung Ayoko munang sumugal
At inuna Ang aking pag aaral
Munting puso'y naguguluhan
Dahil baka tayo'y muling masaktan lamangPagmamahal ko sayo'y totoo
Pero patawad kung ngayon hindi ko
Kayang ipagsigawan sa Mundo
Na "MAHAL KITA" patawarin mokoAyos lang kung sa dulo Hindi Na tayo
Kasi kahit ika'y lumayo
Alam kong minahal kita ng totoo
Alam kong totoo Ang nararamdaman koHindi Ako Yung nagsabing kaibigan lang
Ikaw Yung may Sabi Na tayo'y ganoon lamang
Ipinagsigawan mo pa nga sa kanilang harapan
Na tayo'y sadyang magkaibigan langPatawad kung nasaktan kita Kasi Hindi ko na alam
Kasi nasaktan Ako ng sobra
At nung pinaglaban kita
Tapos pinili mo syaAminin natin Na Mahal natin Ang isa't isa
Hindi sa magkaibigan lang
Kundi sa hirap at dusa
Tayo'y magsasama
Habang Buhay mamahalin Ang isa't isa
Kahit Hindi man tayo Ang itinadhana"RPW"
mundong tirahan ng mga taong hindi mo kilala
Mga taong nagtatago sa mga pangalang hindi kanila
Mga taong dito lamang nagiging totoo tuwina
Mga taong umaasang makakatanggap ng pagkalinga.Bukod sa ang karamihan at nakatago sa mga larawan na hindi sila
Gumagamit ng mga pangalang hindi mo malaman kung kanila nga ba?
Mga tao parin tayong sinubukang lumikha
Lumikha ng mundong ang totoong pagkatao'y hindi na mahalaga.Nakapasok ako sa mundong ito ng di ko alam kung paano nga ba
Ngunit umasa akong hindi ko na mararanasan dito ang panghuhusga ng iba
Umaasang maaaring dito'y pwedeng maging ako talaga
Umasang matatanggap ako ng iba, kahit di man kilala.Inakala kong iba ito sa tunay na mundo!
Inakala kong perpekto ito para sa mga kagaya ko
Inakala kong maiintindihan ako ng mga tao dito
Inakala kong ito ang kasiyahan ko mula sa magulong mundo.Ngunit tila nagkamali na naman ako sa aking akala
Kasi nga walang perpekto sa mundo talaga
Kahit kailan o saan, meron paring huhusga
Mayroon paring basehan kung tatanggapin ka ba nila.Mayroon paring mga taong babalewalain ka
May mga tao paring gustong siraan ka
Mga taong ang hangad ay hilain ka pababa
Tsaka tatawanan at tatawaging mahina.May mga tao paring mamahalin ka lang dahil sikat ka
Papansinin ka lang kung may itsura ka
Akala ko talaga dati dito na ako sasaya
Pero ngayon ko lang naisip -ANG MUNDONG ITO AT ANG TUNAY NA MUNDO AY WALANG PINAGKAIBA.
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMaking poetry is the best why? • Because that's how I can express my feelings to you.